^

PSN Showbiz

Sandy, Sep, winakasan ang kanilang relasyon!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Halos tatlong taon ding naging magkare­lasyon sina Joseph Bitangcol at Sandara Park. Maraming pi­nagdaanang kontro­bersiya ang dalawa, pero sabay nilang ipi­naglaban ang kanilang pagmamahalan.

Maraming nagsa­sabi noon na nakiki­sakay lang si Joseph sa kasikatan ni Sandy, pero ang nakalimutang isipin ng mga nagsa­sabi nun, nang ma­ging pormal na mag­kare­las­yon sina Jo­seph at San­dara ay na­ngulim­lim na ang ca­reer ng Koreana.

Hindi parehas na sabihang nanggagamit lang ang binata dahil nung maging karelas­yon sila ni Sandara ay siya pa nga ang su­malo ng lahat-lahat ng kalungkutan at depres­yon ng batang aktres dahil sa pagtamlay ng career nito.

Sa balikat ni Sep umiiyak si Sandara, sa kanya nagsu­sum­bong ng mga prob­le­ma ang da­laga, kaya malaking sakri­pisyo ang pinag­da­anan ni Joseph nung maging magkarelas­yon sila.

Nag-break na sila nitong nakaraang ling­go, hindi na mahalaga kung sino sa kanilang dalawa ang humiling ng paghihiwalay, ang mahalaga ay naghi­walay silang mahal pa rin nila ang isa’t isa.

Mahirap ang kani­lang kalagayan ngayon dahil nasanay na sila na laging magkasama, parang kapamilya na ang turing ng pamilya ni Joseph sa dalaga, naging tungkod ni Sandy ang pamilya ng aktor nung mga pana­hong parang wala nang nagtitiwala sa kanya bilang artista.

Isang mapagkakati­wa­laang source ang nagsabi sa amin na hindi na kinaya  pa ni Joseph ang pagiging sumpungin at selosa ni Sandy, masyado na raw nitong sinasakal ang batang aktor, may kausapin lang o i-text na kasamahan nilang babae si Joseph ay nagiging mitsa na agad yun ng kanilang away.

“Palagi na lang ga­nun, binubuwisit niya palagi si Joseph sa kaseselos niya, kaya feeling nitong lalaki, wala na siyang right man lang na makipag­kaibigan sa iba.

“Tama lang na may selosan paminsan-min­san, pero kapag sobra-sobra na, mai­inis na ang lalaki. Gu­gustuhin na niyang na niyang luma­bas sa relasyon, dahil wala naman palang ti­wala sa kanya ang girl­friend niya!” sabi ng aming source.

*  *  * 

Wala nang maga­gawa ngayon ang mga personalidad na puma­sok sa Francswiss kundi ang magsisihan at mang­hinayang na lang. Sinisisi ng ilang artista ang kanilang upline, ang nag-recruit sa kanila para mamu­hunan nang milyon sa Francswiss, pero ang sagot nito sa kanila ay pare-pareho lang na­man silang na­ging bik­tima ng invest­ment scam.

Kung ang taong yun ang itinuturing nilang upline at sila ang down­line, natural lang na me­ron ding upline ang nag-recruit sa kanila, parang hindi matatapos ang argu­mento kung tutun­tunin nila ang pinaka-ugat ng istorya.

May upline rin ang kanilang upline, ang upline naman ng ka­nilang upline ay may itinuturo ring upline, sino ngayon ang ka­nilang hahabulin para mabawi ang kanilang puhunan?

Balitang nagkaka­roon pa ng hidwaan ngayon ang isang grupo ng mga artistang puma­sok sa Franc­swiss, si­nisisi nila ang isang aktres at isang aktor na humihikayat sa kanila para mamu­hunan nang malaking halaga sa naturang negosyo, ang dala­wang ito raw ang nangako sa kanila na anuman ang mangyari ay ligtas na ligtas ang kanilang puhunan. Da­lawang komedyante rin ang nagkasaulian ng kandila nang dahil sa Francswiss na ito, ki­nuha ni Comedian A, ang dalawang libong dolyar ni Comedian B, siya na raw ang ba­halang makipagtran­saksyon para sa pera ni Comedian B.

Nung magkagulo na, tawag nang tawag si Comedian B sa kan­yang kaibigan pero hindi na ito sinasagot ni Comedian A, nagduda tuloy ngayon ang ko­medyante na baka ibi­nulsa lang ni Co­me­dian A ang kanyang pera at hindi naman ipinuhunan sa Franc­swiss.

Hanggang hindi nag­papakita ang kan­yang kaibigan ay hindi mawa­wala sa utak ni come­dian B ang pag­dududa na baka sinu­nog lang ni Comedian A ang kan­yang pera.

“Kung wala siyang dapat ikatakot, bakit ni hindi man lang niya ako tawagan? Meron bang nangyaring lokohan dito? Nanloko na nga ang Francswiss, pati ba naman siya, lolo­kohin pa rin ako?” sabi ng uma­asang komed­yante. 

vuukle comment

COMEDIAN A

COMEDIAN B

FRANCSWISS

LANG

SHY

UPLINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with