^

PSN Showbiz

Maraming artista na ang nalaos pero, nandito pa rin kami

ISYU AT BANAT - Ed De Leon -

Hindi maitago ng TV re­porter na si Josie Ma­nago ang sama ng loob dahil sa nag­la­ba­san daw na mga sinulat ng ibang writers na nag­sa­sabing nag-am­bush interview la­mang siya kay Angel Locsin sa air­port bago ito umalis pa­tungong US. Hindi niya ma­­­laman kung sino ang nag­ka­kalat na isang am­bush interview ang kan­yang gi­na­wa ga­nung nalalaman na­man daw ng lahat ng mga da­pat na maka­alam na pu­punta siya roon, in the first place papaano nga na­man niyang mala­laman kung anong oras na­sa airport si Angel kung hindi siya sina­bihan?

Ang isa pang isina­sama ng loob ng Jopay, wala naman daw ma­sama sa kanyang gina­wang interview at sa kanyang ginawang re­port pagkatapos, hindi niya malaman kung bakit sinasabi pang am­bush interview lang na­man daw kasi ang gi­nawa niya. Pero sabi nga ni Jopay, alam na­man niya kung kani­nong kampo iyon more or less, dahil kilala rin naman niya kung sino ang “boss” ng mga nag­sulat noon.

Aywan kung bakit nagkaka­gan­yan. Bakit nga ba mukhang ma­gulo ang mga kam­po niya at ng GMA ngayon, eh dapat magka­kam­pi sila. May lumalabas ding mga kuwento na naki­pag-usap din na­man daw si Angel sa mga exe­cutives ng GMA 7. Kung ganun, sino ba ang nag­papagulo ng sit­wasyon? Dahil ba  sa may mga bagay na hindi nagugustuhan si Angel o dahil lamang sa mga gusot ng sistema ng management ng kan­yang career? Iyan ang isang ang­gulo na kaila­ngan nating isipin.

Si Angel Locsin ang nasasapol ngayon ng lahat ng controversy, pero ang tanong, si Angel  ba naman talaga ang magulong kausap?

Baka naman may mga taong nagiging unfair sa pagbibintang kay Angel ng mga bagay na wala naman siyang kinalaman. Pero doon sa nangyari kay Josie Manago, hindi namin siya masisisi kung su­mama man ang kan­yang loob.

Kung kami talaga ang tatanungin, kung may mga artistang ayaw magpa-interview eh di huwag. Marami ka­ming mga nakasa­ba­yang ar­tista noong araw na sumikat talaga, pero laos na ngayon, pero ting­nan ninyo, naririto pa rin naman kami.

* * *

Noong isang araw may ginawa kaming research at nagulat kami sa aming nakita. Iyon palang record ng longest running live musical variety show ay anim na oras, at iyan ay ang GMA Supershow ni Kuya Germs noong araw. Ang show na iyon ang may hawak din ng record ng pinakama­raming tv commercials. May seventy commer­cial minutes na puma­sok sa kanyang show.

* * *

Mayroong invitation para sa lahat na makiisa sa pagdiriwang ng misa sa Linggo, 5NH  sa Star City. At dahil iyon ay bisperas ng kapistahan ng Our Lady of Mt. Carmel, mag­­kakaroon ng solem­n na pagbe­bendisyon at pag­susuot ng iska­pularyo ng Ma­hal na Birhen ng Car­mel. Ang operations department ng Star City, sa pangu­nguna nina Jonas Ma­teo at Ruel Benitez ang siyang mag-aasikaso sa pag­diriwang ng misa sa Linggo ng hapon.

ANGEL

ANGEL LOCSIN

KUNG

PLACE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with