Mga 3 taong bata, involved sa child pornography!
Ayaw ko nang tingnan ng makalawa, ang mga cover ng mga DVD na nakumpiska ng grupo ni Edu Manzano sa isang mall sa
Mga larawan ito ng mga batang lalaki at babae na pinagagawa ang mga bagay na sekswal ng mga dayuhan. Naalala ko tuloy ang dalawang 3 yrs. old at isang 6 yrs. old na mga apo kong lalaki. Hindi ko ma-imagine kung anong krimen ang magagawa ko at ng pamilya ko kapag sa kanila nangyari ang ganun.
Nagtataka lamang ako, kung bakit parang walang knowledge ang mga alagad ng simbahan sa mga nagaganap sa kanilang kapaligiran na maari nilang pigilan. Sa halip, patuloy ang matagumpay na pagbi-benta ng mga pirated video hindi lamang ng mga pelikula at mga musika, kundi maging pornographic video ng mga adults, lalo na ng mga bata sa kanilang area. Kung malalaman nila ito ay pwede silang magreklamo para ang mga nagbibenta nito, at maging ang mga may-ari ng mall ay mahuli at maparusahan. Yes, kahit tatlong tao lamang ay pwede nang maghain ng reklamo tungkol dito.
Sinimulan na nina OMB chairman Edu Manzano, Atty. Rosendo Meneses at G. Cyrus Paul Valenzuela, hindi sa kanilang kapasidad bilang myembro ng OMB kundi bilang mga ordinaryong mamamayan na nababahala sa paglaganap ng mga malalaswang video ng maituturing na severest and lowest form of child exploitation.
* * *
I symphatize with Roxanne Guinoo dahil isang malaking hamon at nakaka-pressure ang ipinagkaloob sa kanya ng ABS CBN via her biggest role in Natutulog Ba Ang Diyos, isang hit comics novel na naging isang hit na pelikula nun na dinirek ni Lino Brocka at nagtampok kina Lorna Tolentino, Ricky Davao at Gary Valenciano. Yung role ni LT ang ginampanan niya.
“Nakaka-pressure talaga pero, ang tanging magagawa ko is to give my best and I hope and pray na ma-satisfy sila sa best ko,” ani Roxanne who is delineating the role opposite two men in her lovelife, isang ex-boyfriend, si Joross Gamboa at isang current bf, si Jake Cuenca.
Nagkaro’n ba ng problema sa taping?
“Wala, masaya nga kami, walang ilangan dahil friends uli kami ni Joross at dati na silang magkaibigan ni Jake, madalas nga silang mag-bonding kapag tulog ako,” imporma ni Roxanne na umamin na nahirapan siya sa role dahil matagal na siyang hindi nagdrama.
Sa presscon ng Natutulog Ba Ang Diyos?, nakita ko ang gumawa ng istorya at 10 years kong nakasama sa Atlas Publications, si Ruben Marcelino, na nagbigay ng kanyang permiso para gawan ng changes ang istorya niya at maging ang titulo.
Sineserye Presents Natutulog Ba Ang Diyos also stars Dina Bonnevie, Rosanna Roces, Archie Ranillo, Ronnie Lazaro, Bing Pimentel, Denise Laurel, Mara Lopez, atbp., sa direksyon ni Jerry Sineneng at Rechie del Carmen.
Palabas na simula Hulyo 16 bago mag-TV Patrol.
* * *
- Latest