Jed Madela, ayaw magmukhang tatay nina Christian, Erik at Mark
Singer’s singer ang tawag kay Jed Madela dahil anumang piyesa, gaano man ito kataas at kakumplikado, kaya niyang ibirit. May nagsabi pa ngang “Parang hindi na tao si Jed sa sobrang galing!”
Maging sa labas ng bansa, kilala at pinangingilagan si Jed.
Ilan lamang sa mga na panalunan niya: Best Voice of Asia Male Singer, 2002 Kazakhstan Songfest; Silver prize, 2003 Voice of Asia International Songfest, Kazakhstan; 2003 Breakthrough Male Performer, Celebrity Chronicle, H’wood, USA; 5 golds, 1 silver, 2005 World Championships of Performing Arts (WCOPA) o Voice Olympics. Siya ang tinanghal na Champion of the World sa male div. At Grand Champion at overall winner.
Sa nalalapit na WCOPA na kung saan kasali na naman ang maraming Pinoy, muling naimbitahan si Jed na umupo bilang judge. Taun-taon ay ginagawa niya ito simula nang maging overall champion siya.
Ipinagmamalaki rin niya na simula nang manalo siya rito ay nag-iba ang pananaw ng maraming nasa likod ng paligsahan, tungkol sa ating bansa at ang mga naninirahan dito.
“Akala kasi nila nung una, nakatira pa tayo sa mga dampa at walang sapin ang mga paa. Nung manalo tayo, sinabihan ko sila na, ‘Do you see the houses in
Nakakuha rin siya ng isang gold award para sa duet nila ni Karylle na “Only Selfless Love na ginamit na theme song sa 4th World Meeting of Families.
Maliban sa pagkanta, ginampanan din ni Jed ang male lead sa sikat na stageplay na East Meets West.
Sa kasalukuyan, naririnig ang mga awitin niya sa radyo. Ilan sa mga hits niya sa “Just Human” album ay iparirinig niya sa kanyang birthday concert sa July 14 sa Metro Concert Bar. Tulad ng “And I Love You So”, “There’s No Easy Way”, “Forevermore”, “I Want To Give It All”, “Only Love”, ang paborito niyang duet nila ni Gary V na “Hard Habit To Break” at marami pang iba.
Sa ngayon, abala sa pagpapapayat si Jed, di lamang para sa nalalapit niyang concert kundi “
* * *
Talagang puspusan ang pakikipaglaban ng Showbiz Central sa kanyang napalakas na kalaban, ang programa tuwing Linggo na The Buzz ng ABS CBN. At kahit maituturing na bunso sa dalawang programa, nakikita naman ang effort ng programa at maging ang mga hosts nito (Pia, John Sweet at Raymond) na hindi mapag-iwanan ng kabilang istasyon.
Nung Linggo, proud sila dahil dalawang puntos lamang ang inilamang ng kanilang higanteng kalaban sa rating na The Buzz 15.7, Showbiz Central 15.5.
* * *
E-mail: [email protected]
- Latest