In 6 years, out na sa showbiz si Sunshine?
Hindi mababakante sa telebisyon si Raymart Santiago kahit mawala ang Who’s Your Daddy Now? dahil kasama siya sa cast ng Shaider. And in fairness, kasama na talaga siya sa bagong show ng GMA-7 bago pa madesisyunang tsugihin ang sitcom na kasama siya.
Hindi pa ginagawa ang story conference ng Shaider, kaya hindi pa alam ang magiging role ni Raymart. Dahil action series ito, muling sasabak sa action ang mister ni Claudine Barretto. Naayos na siguro ang problema sa script dahil ang tsika sa amin, sa July 17 na ang start ng taping nito.
* * *
Magpapa-audition daw ang GMA-7 para sa gaganap sa role nina Sharon Cuneta at Loretta Marquez sa TV remake ng Pasan Ko Ang Daigdig na balitang ididirek ni Joel Lamangan. Isa si Sunshine Dizon sa interesadong mag-audition dahil favorite Sharon movie niya ito. Kahit daw may Impostora, payag siyang lumabas sa Sine Novela kung ang gustong project ang ibibigay.
Samantala, birthday ni Sunshine noong July 23 and at 24 years old, feeling old na ang actress. After six years, 30 years old na siya at kailangan na raw mag-isip kung ano ang gaga win niya kung wala na siya sa showbis.
Nai-share nito ang mga plano niya sa buhay at kasama rito ang mag-ipon para matupad ang dream na magtayo ng small production company at mag-produce ng small movies.Type rin niyang patayuan ng Castillian house ang farm nila sa Antipolo. Napi-picture na niya ang bahay na kailangang may big kitchen dahil mahilig din siyang magluto.
Samantala, tuluy-tuloy na ang pagpapapayat ni Sunshine para matuloy na ang pictorial niya kay Raymund Isaac para sa print ad ng Marie France. Bago magtapos ang buwang ito, dapat nakapag-pictorial na siya. – NITZ MIRALLES
- Latest