^

PSN Showbiz

Iba kay Osang si Grace!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Sa mga panahong ang akala ng marami ay magsasalita laban kay Dra. Vicki Belo si Grace Adriano, ang panga­nay na anak ni Ro­san­na Roces ay ka­balig­ta­ran ang mga sa­litang lu­ma­bas sa kan­yang bibig.

Sa aming tanong kung ano’ng masasabi niya sa hidwaang nama­magitan dito at sa kan­yang ina ay simple lang ang kanyang sagot, “Na­ging mabait kasi siya sa amin, kaya nanghihina­yang ako sa friendship nila.

“Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang sabihan ng hi, gusto ko siyang yakapin kung gusto niya,” nakangiting sabi ni Grace.

Dalawang bagay yun, pwedeng anuman ang namagitan kina Osang at Dra. Vicki ay ang magandang ipina­kita pa rin nito sa kanila ni Onyok ang pina­ha­ha­lagahan ni Grace at pwede rin namang hin­di siya bini-brain­wash ng kanyang ina na ma­sa­mang tao ang dok­tora.

Mahalaga ang kapa­ligiran ng tahanan sa tak­bo ng isip ng mga anak, kung ano ang na­ki­­kita at naririnig nila ay yun din ang kanilang ginagawa at sinasabi, kaya siguro’y walang sinasabi si Osang sa kan­yang mga anak na salbahe si Dra. Vicki ka­ya ganun na lang ang kan­yang respeto sa ka­away ng kanyang mom­my sa kabila ng lahat.

Kay Manay Lolit Solis naman ay mares­petong sinabi ni Grace na ayaw na ni­yang mag­bi­gay pa ng mensa­he dito. “Hu­wag na lang po, medyo maayos na kasi ngayon ang si­tua­tion, baka kapag nag­sa­lita pa ako, may masabi na na­man siyang pwe­deng ikagalit ng mom­my ko, kaya huwag na lang po,” pa­sintabi ni Grace.

Ang kanyang kare­las­yong si Philly na isang African-American-Arabian ay kasundo ng kanyang anak na si Gab­rielle, masaya na siyang nakikitang nag­lalaro ang kanyang anak at boyfriend, noon pa man ay ipinagtapat na niya kay Philly na meron siyang anak sa pagka­dalaga.

“Kapag nag-uusap nga sila ni Mommy, ang sinasabi sa kanya, “You, Felimon, don’t make Grace like that, ha?” ang ibig po niyang sabihin, huwag daw akong bu­bun­tisin. Tumatawa lang si Philly, ang isina­sagot niya sa mommy ko, “No, I will just take care of her, she’s not yet ready for that, same with me.”

“Ang isasagot na­man dun ng mommy ko, “Okey, I will always re­member that, because if you do that, I will eat you alive!”

*  * *

Halatadong malapit sa puso ni Grace si Se­na­dor Bong Revilla, ang kanyang hiling, sana raw ay magkaroon naman ng panahon ang aktor pulitiko para sa kan­yang sarili.

Ang tanging sinasabi lang niya ay hindi siya kumportable kay Lani, ang pinasasa­lama­tan niya dahil na­ging mabait sa kanya ay si sena­dor Bong, saka ang mga ka­patid nito lalung-lalo na si Andeng.

“Mababait po silang magkakapatid sa akin, lalo na si Tita Andeng. Kapag may sakit si Gab, naka-check na agad siya, mabait po talaga si Tita Andeng,” papuri ni Grace sa tiyahin ni Jolo.

*  * *

Napakasopistikada ni Gretchen Barretto sa ipinalabas na footage ng The Buzz sa pag­da­ting nila ni Tony “Boy” Cojuangco mu­la sa America.

Naka-shades siyang kumbinasyon ng itim at pula, branded syempre yun, kering-carry ni Gret­­chen ang kahit anong isuot niya.

Sabi nga ng kaibigan naming nakakita sa kanya sa Rustan’s nung minsan, “Kahit siguro ba­sahan ang ipasuot mo sa kanya, maganda pa rin siya.”

DRA

GRACE

PHILLY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with