^

PSN Showbiz

Foreign flavor ng Shamrock

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate -

I’m sure hanggang ngayon curious ang mga fans ng Shamrock sa nag-iisang foreigner member nito na si Ha­rald Huyssen, drum­mer ng grupo.

Pero sorry ladies taken na si Harald, in fact four months on the way ang kanyang Pinay na misis.  Sa katunayan, la­gi itong may glow sa kanyang mga mata kapag pinag-uusapan ang kanyang coming baby na dito sa ‘Pinas niya palalakihin. “Be­haved” rin siya sa ka­nilang mga gigs.  At thankful siya sa kanilang mga fans sa pagrespeto sa kanyang pagiging happily married.

Si Harald ay 26 yrs. old at ipinanganak sa Germany pero mas matagal siyang tumira sa Malaysia kasama ang mga magulang niya na parehong Christian missionary.  Hanggang makarating ang mission work nila sa ‘Pinas nung 1989.  Dito rin niya na-meet ang kanyang gf na ka-church member din nila na ngayon ay misis na niya.

Ang gf niya ang unang lumapit sa Sham­rock nang ma­rinig nitong nangaila­ngan ang grupo ng drummer nung year 2000. Nagsimula si Harald tumugtog ng drums sa edad na five yrs. old.  Pero pinilit si­yang pag-aralin ng pia­no ng parents niya para ma­tuto ng tamang di­siplina sa music at tu­mugtog ng mga clas­sical songs. Sa edad na 13 yrs. old finally ay pinagbigyan siya ng parents niyang tumug­tog ng drums dahil ito talaga ang hilig niya.  At pinatunayan niya na kahit ang mga drummer ay may di­siplina ring ipinaiiral.

Graduate si Harald ng BS of Music sa Col­lege of Music sa Berke­ley  USA.  Nagtu­turo rin siya sa UST ng jazz.  At the same time in private ay nagtuturo rin siya ng music sa mga gustong matuto lalo na sa drums.  Meron din siyang busi­ ness na Chicago Ham­burger sa Tagaytay.

Madalas siyang ta­nungin ng mga friends niya sa US kung bakit napili niyang mag-settle dito sa bansa. At ipinag­mamalaki niyang sec­ond home na niya ang ‘Pinas kung saan bukod sa dito na siyang mag­sisimula ng sarili niyang pamilya, marami na rin siyang kaibigan bukod sa grupo niyang Sham­rock.

Gusto rin niya ang mga pagkaing Pinoy tulad ng menudo, bicol express, pansit, kalde­reta at halos lahat ng pagkain ay kinakain niya. Maliban sa isaw, chicken feet at balot.  Binibigyan nga siya ng P500 para lang kumain ng balot pero hindi raw niya talaga kayang lunukin ang sisiw.  Kahit ilang taon na si Harald sa bansa hindi pa rin niya ma-take ang traffic kung saan sa Antipolo pa siya nakatira.

Sa tagal din ni Ha­rald sa bansa, hindi pa rin niya ma-practice ang pagsa­salita ng Tagalog.  Pinag­ta­tawa­nan kasi ang kan­yang accent kaya umi­iwas na lang siyang mag­salita ng Tagalog.

Si Harald ang nag-compose ng dalawang love songs na  “It’s Me,” “Be With You” at isang relevant song na “Free­dom” sa ka­nilang ba­gong album na Sham­rock Barkada.

HARALD

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with