Acting ni Diana, pasable
Napanood namin ang Silip ng Seiko Films. May psychological touch ang movie kung saan ang paranoia o ang pagiging sobrang paranoid ay nagreresulta sa pagiging psychotic na siyang ginampanang karakter ni Diana Zubiri. Kailangang mapanood ito mula sa simula para maintindihang mabuti ang pelikula.
Isang revelation sa pelikula si Polo Ravales. Magaling itong umarte gayundin si Francine Prieto. Tatlo lang ang karakter pero nabigyang buhay nila ang Silip. Tama si Direk Joel Lamangan sa pagsasabing isa sa kanila ay posibleng manalo ng acting award lalo na si Diana.
Maganda at artistiko ang kinalabasan ng kanilang mga lovescenes at napakaganda ng tanawin sa Bongabon, Nueva Ecija at kudos sa cinematographer. Palabas na ang Silip sa June 6.
Billy, Pabalik-Balik Ng France
Magsisimula sa June 10 ang Move! The Billy Crawford’s Search for Pinoy Dancers na kauna-unahang dance reality show sa telebisyon kung saan hahanapin ang 24 dance idols mula sa daan-daang contestants. Mula dito at kukuha ng anim na dance idols na magkakaroon ng pagkakataong makasama si Billy Crawford sa kanyang concert bukod pa sa cash prizes at management contract sa GMA Network.
Tinanong ko si Billy kung tatanggapin ba niya ang offer bukod dito sa reality show na mag-host ng isang dance show.
“Kung maganda ang offer, why not. Syempre depende rin ito sa aking manager. Baka kung matuloy pabalik-balik lang ako ng France,” aniya.
Saludo kay Billy ang kaibigang French choreographer na si Mariss ng Paris.
“Billy can sing perfect notes. He has so much talent. He’s amazing and really a professional,” anang choreographer.
- Latest