^

PSN Showbiz

Angelica, di matanggap ang pagkatalo!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Inamin ni Angelica Jones na gusto niyang maging fair ang laba­nan kaya sa tulong ng abo­gadong si Atty. Fer­dinand Topacio (ka­sama ni Mayor Lim sa programang Katapat sa Dos) ay naghain sila ng petisyon sa Comelec para sa declaration of failure of elections sa San Pablo City.

Tumakbong Board member ang aktres sa na­sabing lalawigan noong nakaraang elek­syon. May mga ebiden­sya ang aktres at han­dang panindigan ang kanyang sinasabi tung­kol sa pandarayang gi­nawa laban sa kanya.

May 122,000 re­gistered voters sa San Pablo City at nakakuha siya ng 7,000 sa anim na bayan pero sa San Pablo mismo ay dun siya na­laglag. Sinabi rin nila na na-delay ang bila­ngan para alam daw kung ilan ang hahabulin ng kala­ban kay Angie, iaapela nila ang pagka­karoon ng special election sa San Pablo sa Comelec da­hil naapi ang aktres sa bi­langan at na­niniwa­lang may pan­darayang naga­nap.

Sa kabilang banda, ngayong tapos na ang eleksyon at sakaling di mapagbigyan ang apela nina Angelica at Atty. Ferdinand ay nagko-concentrate na lang ito sa kanyang career.

“May pagkakaaba­lahan din po akong  mga civic projects dahil meron naman akong found­ation sa San Pablo City na tumutu­long sa mga kapus palad.

Nagpanalo Sa Asawa

Masayang-masaya si Precious Hipolito, newscaster ng IBC 13 dahil nanalo uling kon­sehal ang kanyang asa­wang si Kon. Win­s­ton “Winnie” Castelo. Con­sistent topnotcher ito sa 2nd district ng Quezon City at tatlong ulit ding nahirang na Most Out­standing Councilor ng QC Press Club. Pero ayon sa magaling na konsehal ay lucky charm niya si Precious kaya lagi siyang top­notcher kung saan mahal din ng mga tao ang kan­yang asawa. Ma­ging ang kapatid ni Winnie na si Cong­ress­woman Na­nette Cas­telo-Daza ay na­nalo rin kaya double vic­tory ang ipi­nag­diwang sa pamilya ng dating aktres.

Tinalo Ang Kalaban Sa Dos

Tumaas ang rating ng Fantas­tik­man noong nakaraang Sa­bado kung saan naka­kuha ito ng 17.7% la­ban sa kalaban na mga pelikulang ipinala­labas sa Dos.

Masayang-ma­saya si Mark Herras bilang FM dahil sa rami ng malalaking sor­pre­sang makakasama niya nga­yong Hunyo kabilang na ang maraming villain na papasok sa fanta­serye na may mga super­power din.

Ayon sa PM na si Cheryl Ching Sy nag­bibigay na rin sila ng trivia questions sa mga ma­nonood kung saan maka­katanggap ng gift pack ang mananalong viewer.

Bryan, Dream Makasama Si Aga

Matagal na ring artista si Bryan Ho­mecillo na miyembro ng Star Magic 15. Nagsi­mula itong mag-artista sa edad na siyam na taon at nga­yon ay 15 years old na. Kasama siya sa All Abt Luv (New sea­son) at ka­pareha ang kaibi­gang si Daphne Cor­tes.

Nakatrabaho na ni Bryan ang malalaking ar­tista gaya nina Judy Ann Santos, Maricel Soria­no at iba pa. Nagkamit na rin ito ng FAMAS Best Child Actor trophy at akti­bong miyembro ng Repertory Phils. Kung saan ginampanan ang karakter ni Friedrich noong 2006 sa Sound of Music.

vuukle comment

ALL ABT LUV

ANGELICA JONES

BEST CHILD ACTOR

BRYAN HO

SAN PABLO

SAN PABLO CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with