^

PSN Showbiz

Tagalog film 11 pa lang ang naipapalabas

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Sobrang tumal  nga­yon ng pelikulang Ta­galog.

Papasok na ang third quarter of the year, pero iilan pa lang ang naipa­palabas na Tagalog film.

Eleven films to be exact. Out of 11, 10 ang gra­ded – Agent X-44, Ba­tad: Sa Paang Pa­lay, The Promise, U Got Me, Syquijor, Pa­raiso, Happy Heart, Monay ni Mr. Shooli, Ang Cute ng Ina Mo and Paano Kita Iibigin. Actually, ‘yan yung total number ng movie na ni-review ng Cinema Eva­luation Board (CEB)  na ang tatlo ay digital – Batad, Syquijor and Paraiso. At iisa pa lang ang nakakakuha ng grade A or 100% tax re­bate, ang Batad (na hin­di ko sure kung nag­karoon na ng com­mer­cial exhibition).

Eh lately, walang pe­likulang hindi na-review ng CEB dahil nanghihi­nayang na nga ang mga producer sa rebate na mabibigay sa kanila.

A month ago pa ang last film na ni-review ng CEB, ang Paraiso, yung movie ng Gawad Kali­nga na hindi pa nag­ka­karoon ng com­mercial exhibition dahil nauna itong ipalabas sa Ame­rika na balitang dinumog ng mga kaba­bayan na­ting Pinoy doon. That was a month ago. At nasundan lang yun last Tuesday ng Paano Kita Iibigin star­ring Regine Velas­quez and Piolo Pas­cual. Graded B ang Pa­ano Kita Iibigin.

Sa 11 films, four ang sa Star Cinema and one sa Regal, one sa GMA and the rest inde­pendent producers.

So kung ganito rin ka­­da­lang ang pe­li­kula sa dala­wang na­­ti­ti­rang quarter ng taon, hindi pa aabot sa 30 films ang ma­ga­gawa this year.

Oh my! Sob­rang alarm­ing na ito. Ba­­ka next year, mas konti pa ang peli­kula.

* * *

Mellow-drama ang pelikula at acting na acting sina Piolo Pas­cual at Regine Velas­quez ang Paano Kita Iibigin. Ang dami nilang iyakan scene though merong light moments at ang importante ang dami nilang kissing scenes at isang love scene na first nila pare­hong ginawa.

Bagay kay Regine ang role na single moth­er na na-forced to stay sa isang resort matapos mabasag ng anak ang side mirror ng BMW motor ng may-ari (ng resort) na si Piolo na nung panahon na yun ay pasan ang mundo dahil sinisisi niya ang sarili sa aksidenteng nang­yari sa ka­nila ng kan­yang ‘asa­wa’ at pin­san at best­friend nila.

Sa ka­ni­lang com­pany party, he proposed sa girlfriend niya. Pero gusto agad niyang pa­ka­sal kaya nagpunta sila sa isang Pastor. Nakasal naman sila. Pero after ng sere­monya dahil sa pare-pareho silang excited, na­bangga ang sina­sakyan ni­lang ko­­t­­se at sa kani­lang apat, siya lang ang na­buhay.

Siya ang sinisisi sa nangyari. Kaya nag­ka-win­dang-windang ang buhay niya.

Dun papasok sa bu­hay niya si Regine na na­padpad sa resort na pag-aari ni Piolo dahil sa kanyang pinsan na nag­pa-reserve sa na­sabing resort na sa bro­chure ay ang maganda pero nang puntahan nila ay sila lang ang naka-check in.

First encounter ni Regine with Piolo, hali­kan agad sa dagat.

Anyway, parehong nagdrama ang dalawa.

Malamang nga ma­pansin na rin ang acting ni Regine sa pelikulang ito at makakalimutan mo ang tungkol kina Re­gine at Ogie Alca­sid. Pa­rang wa­lang con­nect­ion sa pe­likula kung si Ogie ang boy­friend ni Re­gine. Sa Ame­rika na­man kasi hindi kaila­ngang ma-link ang mga artista para kumita ang pelikula.

Parehong favorite na artista ni Direk Joyce Ber­nal ang dalawa.

At parang walang su­memplang na peli­kula si Direk Joyce na ang da­la­wa ang artista sa res­pective films.

At any rate, showing na starting yesterday ang Paano Kita Iibigin.

* * *

Sadly, umuwi ngang luhaan ang represent­ative nating si Anna The­resa Licaros  sa katatapos na Miss Uni­verse na gina­nap sa Me­xico.  At true enough na­nalo siyang Miss Pho­togenic.

Too much publicity kaya siguro parating nau­unsyami. Next time siguro manahimik muna para hindi rin ma-press­ure ang kandidata para maging natural at un­conscious sa ginagawa niya.

Kasi ang tendency, nakalagay na sa utak ng contestant na kailangan niyang manalo para sa Pilipino. Ang siste lang, conscious na siya sa ginagawa niya. Ang ending, pilit ang mga kilos kaya mas lalong hindi napapansin.

Where as kung na­tu­ral dahil walang nag­sa­sa­bi sa kanya na kaila­ngan niyang ma-win, baka makatsamba pa siya.

Kahit ang dalawang Miss Universe candi­dates na may dugong Pi­noy ay hindi rin naka­sama – Miss Canada and Miss Norway.

LANG

PAANO KITA IIBIGIN

PIOLO

PIOLO PAS

REGINE VELAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with