Angel, pwedeng pakasalan
Sa presscon ng Angels sa episode na Daddy’s Angel ay kinulit-kulit ng mga press people si Marvin Agustin tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Angel Locsin. Pero sinabi nitong talagang close lang sila bilang magkaibigan.
Katunayan, nang magtungo sila sa Boracay
Saludo siya sa kabaitan ng aktres at inaming girlfriend material ito dahil ma lambing at wife material din dahil mabuti itong anak at mabait sa pamilya kaya tiyak nang magiging mabuting asawa at ina.
“Nakilala na siya ng pamilya ko at very proud ako sa kanya. Sinumang lalaking iibigin ni Angel ay maituturing na napakaswerte.”
Gelli, balik-drama
Seksi at lalo pang gumanda si Gelli de Belen nang humarap sa press launch ng Impostora ng Channel 7.
Inamin nito na hindi niya natang gihan ang offer ng Siete na magbalik sa drama dahil maganda ang teleserye kung saan ginagampanan nito ang papel ng ina ng kambal-tukong anak na si Iza Calzado.
“Nagpaalam naman ako sa aking asawa at mga anak at tinanong kung gusto nila akong mapanood sa drama. Siyempre very happy naman sila at very supportive si Ariel sa akin,” ani Gelli.
Naniniwala rin ang aktres na mapipiga uli siya sa pag-arte ni Direk Maryo J. delos Reyes. Kung matatandaan, ang kanyang award-winning movie na nagbigay sa kanya ng tagumpay ay sa direksyon ni Maryo J.
Noong nakaraang birthday nito (Mayo 25) ay nag-bonding lang silang magpamilya kung saan nagkaroon ng kainan.
- Latest