^

PSN Showbiz

Diana at Francine nagtanggal ng panty, si Polo nahiya nagpalagay ng plaster

- Veronica R. Samio -

Muling nagbabalik ang Seiko Films sa pag­gawa ng mga peli­ku­lang seksi sa pama­magitan ng Silip, isang sex-drama-thriller na nagtatampok sa mga Seiko Jewels na sina Diana Zubiri at Fran­cine Prieto, katambal ang isa sa ipinagma­malaking hunk ng local cinema, si Polo Rava­les dahilan siguro na first time niyang guma­nap sa maiinit na love­scenes at first time din na magpakita ng pwet ay hindi naman nag­maramot na magtang­gal ng kanyang briefs pero, nagpalagay ng plaster para matakpan ang kanyang pinaka-private part.

“Okay lang yung mga eksena namin, ang pi­naka-mahirap lang ay yung kinunan sa Bong­a­bong, Nueva Ecija na kung saan ay tumakbo kami ng hubo’t hubad ni Francine. Alas dose yun ng tanghali pero, kahit ipi­nagbawal ang mga tao, lahat ng pa­raan ay gi­na­wa nila para sila ma­ka­pag­tago at masilip nila kami. Na­gulat na lang kami nang ma­kita namin na ma­raming mga lalaki ang na­kadapa sa da­muhan. Ka­hit nagmu­mura na si direk, tala­gang di sila napa­alis,” kwento ni Diana.

Palabas na ang Silip ngayong June 6.

* * *

Palabas simula ka­hapon, Mayo 30 hang­gang June 5, sa Ro­bin­son’s Galleria, ang isang Indie Film na pi­na­magatang Met­logs (short for Metro­sexual jolog).

Tampok sina Paolo Ballesteros, Marky Lo­pez at Tyrone Perez bilang 3 probinsyano na iniwan ang kani­lang lugar para maka­hanap ng magandang buhay sa Maynila.

Ang Metlogs na nasa direksyon ni Cris Pablo (Duda, Barhouse at Pi­tong Dalagita ay isa sa pi­tong pelikula na pro­dyus para sa Cinema One Originals 2006 at na­kakuha ng parangal para sa Best Digital Movie.

* * *

[email protected]

ANG METLOGS

BEST DIGITAL MOVIE

CINEMA ONE ORIGINALS

CRIS PABLO

DIANA ZUBIRI

INDIE FILM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with