^

PSN Showbiz

Ang sand paper!

IYO ANTOY - Antolin dela Cerna -

Bukas na ang show­ing ng Paano Kita Iibi­gin nina Regine Velas­quez at Piolo Pascual at ma­lala­man na kung naapektuhan ang box-office result ng movie sa premature na paglabas ng an­nounce­ment ni Ogie Alcasid sa relas­yon nila ng Asia’s Songbird.

Bale ba’y after the announcement, nakitang nag-lips-to-lips sina Regine at Ogie matapos ang concert ni Ogie  sa Music Museum last week. Libre na silang mag-PDA after the announcement.

Sabagay, paulit-ulit na sinasabi nina Regine at Piolo na story and the whole movie ang pino-pro­mote nila at hindi ang kanilang loveteam. Dahil naging maganda ang working relationship, umaasa ang dalawa na mauulit ang pagtatambal nila sa pelikula.

Sabi ni Piolo: “Kung gagawa uli kami ng movie ni Redge, hindi sequel ng Paano Kita Iibigin. Sigu­ro another story dahil mahirap gawin ito, another movie at lighter naman.”

Sinang-ayunan ni Regine ang sinabi ni Piolo at may concept na raw siya, musical na bagay sa ka­nila dahil pareho silang kumakanta. Ang singer-actress na rin ang sumagot sa tanong kung puwede silang maging triangle ni Ogie? Kasali raw talaga ang boyfriend dahil ito ang sumulat ng movie theme song at kasama nila sa recording.

* * *

Hanggang September this year na lang ang kon­trata ni Joseph Bitangcol sa Talent Center ng ABS-CBN at mukhang type nitong lumipat sa GMA-7. Nag-text kasi ang ina nito sa isang kai­­bigang reporter at nagpapatulong na ilapit sila kay Lolit Solis para i-manage ang anak.

Hindi pa nakakausap ng reporter si Lolit, pero may feeling itong baka hindi nito i-manage ang ac­tor. Ang reporter din kasi ang naglapit kay Pau­leen Luna sa talent manager at nakita ng ina ni Joseph na maraming nabigay na project si Lolit sa actress sa movies and TV.

Halimbawang i-manage ni Lolit si Joseph, mala­ki ang posibilidad na lumipat siya sa Ch. 7. Payag kaya ang actor na siya’y lumipat ng network? Puwe­de rin siyang i-manage at mananatili sa Ch. 2, pero mas matututukan siya ni Lolit kung pareho silang nasa Siete. –NITZ MIRALLES

vuukle comment

HANGGANG SEPTEMBER

JOSEPH BITANGCOL

LOLIT

OGIE

PIOLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with