Ngitngit pa sa langub
Sa unang dinig ng “Kumanta Ka Pilipino!” album ng I.M.D.J. (Am Da Juan), ay maaalala noong magsimula sina Joey Ayala at ang Bagong Lumad. Ang musika kasi ng IMDJ, katunog ng kina Joey. Pati ang ibang tema ng mga kanta ng bagong grupo, tila Bagong Lumad din.
Kaya lang higit na kontemporaryo ang dating nina Mon DJ at ng kanyang banda. Masasabi rin na mas commercial ang IMDJ dahil higit na nakabaling sa mga kanta ng pag-ibig, bukod sa pagkamakabayan ang kanilang unang album mula sa Ballyhoo Records.
Ang unang single sa album, “Kumanta Ka, Pilipino Ka,” mukhang magiging pop classic, tulad ng pangarap ng grupo na makalikha ng kantang aawitin ng mga Pinoy sa matagal na panahon. Makabuluhan din ang mga titik ng kanta at malumanay o swabe ang dating sa tenga.
Isang kanta sa album, “Itext Mo Na Lang” ay may upbeat tempo at catchy lyrics na maaring sabayan ng mga kabataan ngayon.
Ang “Salamat Kaibigan” ay sentimyentong Pinoy na totoong-totoo sa ating husay sa pakikisama.
Lahat ng nabanggit na awitin ay kinanta ni Mon DJ. Ang “Ikaw Lamang” na tipong ethnic-bossa nova ay ang kaisa-isang miyembro ng bandang si Gems V ang kumanta. Hitbound ang number na ito, lalo pa’t higit na napaghusay ang mixing at mastering.
Ang iba pang myembro ng IMDJ ay sina Carlo Valencirina (electric guitar), Jobert Blanas (acoustic guitar), Ryan Barron (bass) at Aristotle Roxas (drums, percussion). Lahat sila meron mga propesyonal na trabaho bukod sa hilig sa musika.
Si Mon DJ, isang arkitekto at mahigit na 300 structures na ang kasama siya sa pagtatayo. Ibig sabihin mga matataas na gusali, mga malalaking bahay kasama ang mga mansion ang nagawan na niya ng
Si Gems na composer din tulad ni Mon DJ, isang dentista na may sariling klinika. Tuloy ang pagtanggap niya ng mga pasyente habang tuloy din ang pakanta at pagtugtog niya sa IMDJ.
Sina Carlo, Ryan at Aris, mga graphic designers naman. Si Jobert na pinakabagong myembro ng grupo, isang computer technician.
Kung gusto ninyong malaman pa ng husto ang tungkol sa IMDJ, log on to their official website, www.imdjmusic.com.
Abangan din ang promo tour ng banda sa mga piling SM malls sa Metro Manila.
* * *
Si Francine Prieto, nahihiya pang sulyapan ang harapan ni Polo Ravales habang ginagawa nila ang Silip na dinirek ni Joel Lamangan para sa Seiko Films.
Pero na-imagine niya kung paano ang itsura ni Polo kung hindi nag-plaster habang tumatakbo ng hubad sa isang eksena sa Silip.
“Nakakatawa tiyak ang ayos
Maging si Diana Zubiri ay natatawa na rin kung pinapantasya ang isang Polo Ravales na tumatakbong hubad.
May premiere night ang Silip sa SM Megamall Cinema 10, Hunyo 4, alas-8 ng gabi.
- Latest