Yasmien, never magpo-pose sa men’s mag
Ilan na ang aming naringgan ng salitang hinding-hindi sila mag po-pose sa men’s magazine na hindi naman natupad.
Sa presscon ng Sine Novela Presents ay ito ang naging pambungad na katanungan namin kay Yasmien Kurdi na siyang bidang karakter sa komiks material na Pati Ba Pintig Ng Puso.
Ang kanyang wika: “Hindi po siguro mangyayari yan. Bawal po yan sa Iglesia namin at ayoko rin po.”
Kahit na artistiko ang gagawing pagkuha sa iyo?
“Kahit na po dahil ganoon din ang la bas
Bweno, tingnan natin kung hanggang kailan mapapa nindigan ni Yasmien ang kanyang mga binitiwang salita. Baka bukas makalawa ay siya na ang tatambad sa ating mga mata sa mga pahina ng men’s magazine.
Inamin din ni Yasmien na may nag-alok na sa kanyang mag-pose pero, hindi siya nakumbinse.
Ang karakter ni Yasmien sa Pati Ba Pintig Ng Puso ay ang role na ginagampanan ni Sharon Cuneta sa pelikula. Tigilan na ang paghahambing dahil baka paslit o di pa ipinanganganak si Yasmien nang gawin ng Viva ang nasabing nobela. At saka isa pa, pang-telebisyon ito at ang ka-back-to-back ay ang Sinasamba Kita na hango rin sa komiks.
Ang kwen to ay tungkol sa isang pag-iibigang nagsimula sa pagkukunwari para makuha ang ninanais na kalayaan mula sa makapangyarihan at maka-sariling ninuno.
Papel ni Jenna, isang katulong na iibig sa apo ng kanyang amo ang bibigyang buhay ni Yasmien. Si JC de Vera ang apong si Aldrin na sa pelikula, ay si Gabby Concepcion ang lumabas.
Kasama rin sina Karel Marquez, Marco Alcaraz, Arci Muñoz, Kier Legaspi, Chynna Ortaleza at sa direksyon ni Gil Tejada. – REMY UMEREZ
- Latest