Suplada’t pasosyal?
Takot akong kunin si Rhian Ramos sa mga provincial shows dahil balitang suplada ito’t pasosyal.
Baka nga dedmahin nito ang mga tao na ugali nang magpakuha ng litrato at magpapirma ng autograph tuwing makakatapos ang show. Baka sa halip na pakunin pa ako ng mga artista sa ibang mga shows ay madala kapag di nila siya nagustuhan.
Nagkamali ako. Nang dalhin ko siya sa isang kapistahan sa San Rafael, Bulacan sa imbitasyon ni Flory Estrada ay nagulat pa ako dahil very accommodating siya. Bukod sa picture taking, nakipagkwentuhan pa ito sa mga bata. At sa show naman ay matiyaga nitong hinintay ang number niya.
Walang kaarte-arte gayong nagbibida na ito, tulad ng seryeng Lupin na kung saan ay kapareha siya uli ni Richard Gutierrez. Magaling din itong kumanta at hindi nangiming lumapit sa audience habang kumakanta.
Mukha nga lang siyang suplada pero, mabait siya’t malapit sa tao. — VIRGIE BALATICO
- Latest