Regine, umiyak, natakot na maakusahan sa mga naging rebelasyon ni Ogie!
Nakatutuwa naman si Regine Velasquez dahil di tulad ni Ogie Alcasid na piniling ikwento ang istorya nilang dalawa sa iisang publikasyon lamang, siya ay nagpasyang pagbigyan ang piping pagtatanong ng press sa mga naging rebelasyon ni Ogie na lumabas sa TV a day before.
Kahit pa-presscon yun ng gaganaping grand finals ng Pinoy Pop Superstar Year 3 sa June 2 ay sinabi niyang masaya siya, sa kabila ng pagtulo ng kanyang luha na lumabas na rin finally ang totoo sa kanila ni Ogie. Inamin din niya na natatakot siya sa sasabihin ng tao. “I’m afraid that I will be judged again,” aniya.
Natawa ito nang may magtanong kung kailan ang kasal nila at idinagdag pa na isa sa nagbibigay ng alalahanin sa kanya ay ang pangyayaring lahat ng nagtatapat ay nagiging jinx. “But I love him very much. He is the only relationship that I have and will only have,” pagmamalaki niya.
Idinagdag pa rin ni Regine na pinoprotektahan siya ni Ogie, at ang pamilya nito kaya ngayon lamang ito nagpasyang magsalita.
* * *
Magaling din yung maituturing na “import” sa nine grand finalists ng Pinoy Pop Superstar, si Jae Buensuceso, kinatawan ng Filipino community sa San Francisco, California. Di tulad ng mga ibang imports, bumibirit din siya. Sa pamamagitan ng pagkanta ay nagawa niyang makatulong sa mga ulila ng Gen. Santos two years ago. Last year, mga biktima ng
Ang walo pang mahihirapan siyang talunin ay sina Joyce Tañaña, Pampanga; Jennie Escalada, Navotas; Marvin Gagarin, Nueva Ecija; Maricris Garcia, Caloocan City; Miguel Naranjilla, Malabon; Bryan Termulo, Bulacan; Louie Abaigar, Olongapo City at April delos Santos, Pampanga.
Marami sa si yam ang pumili kay Maricris bilang pinakamahigpit nilang kalaban. Para sa akin ay magaling din si Maricris pero, ganundin sina Jennie at si April. Feeling ko nga, babae ang magiging champion this year.
* * *
- Latest