Sabi ni Mega kay Direk Lino: ‘I don’t mind kung he decides to follow’
Para kang nanonood ng silent movie ‘pag sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia ang kaharap mo. Ang hirap nilang pagsalitain sa kanilang almost nine months relationship at walang epekto ang biro naming makakatulong sa publicity ng Super Twins kung magkukuwento sila ng konti dahil tuloy ang silent movie. Ha-ha-ha!
Mabuti na lang na ‘yung pananahimik nila’y binawi sa PDA o Public Display of Affection, kaya may nasulat kami sa pagbisita namin sa taping ng ST. Lagi silang magka-holding hands at titigan nang titigan na parang sila lang ang tao. Ten days silang ‘di magkikita’t may 10-day
Kaya naman pala ‘di pumayag si Mark Herras na makasama sa trabaho ang mag-dyowa dahil maiilang talaga siya. With Patrick out of Tiyanaks, matatapos ang pelikula na hindi naging problema sina Jennylyn at Mark.
Plural ang title ng movie dahil tatlong tiyanaks ang mapapanood at siniguro ni Roselle Monteverde-Teo na ‘di ito remake at sequel ng original Tiyanaks kundi inspired lang. Malapit na itong mapanood sa direksyon ni Mark Reyes.
*****
May anak na na man ang role ni Sunshine Dizon sa Impostora at dito, ang anak niya’y si Ella Guevara na gaganap sa role ni Kathleen. Anak siya nina Nessa (Sunshine) at Nicolas (Mark Anthony Fernandez) at last Friday nagsimula na ring mag-taping ang bagets.
Tumawag ang manager ni Chin-Chin Gutierrez kay Shirley Pizarro na tumawag naman sa amin para linawing hindi ito kasama sa cast ng tele-drama ng GMA-7. Kahit matapos ang Maging Sino Ka Man, mananatili siya sa ABS-CBN dahil masaya siya sa network at may next project na rin siyang gagawin.
Si Chin-Chin ang sabi’y gaganap na mother ni Mark Anthony, pero pinalitan na siya ni Chanda Romero na isa ring magaling na actress. Sa June 4 na ang premiere ng Impostora.
*****
Bukas na ang alis nina Sharon Cuneta and her family para um-attend sa graduation ni KC Concepcion sa Paris end of this month. Kahapon, nag-taping pa ang megastar para sa Sharon at baka matagalan sila roon, although’ sinabi nitong babalik sila agad dahil mahal sa Paris.
Kompleto ang Pangilinan family na dadalo sa graduation ni KC at pahinga na rin nila ito dahil napagod sila, lalo na si Sen. Kiko Pangilinan sa kampanya. Sana lang, alam na ni Sharon ang kurso ng anak dahil ‘di niya ma-memorya at kailangang tanungin niya si Sandy Sta. Maria everytime tinatanong siya ng press tungkol doon.
Hindi tutol si Sharon sakaling pumunta ng Paris si Direk Lino Cayetano para dumalo sa graduation ng anak. “I don’t mind, walang problema if he decides to follow,” sabi ni Sharon.
- Latest