Ano ang karapatan ni Carmina para sabihan si Ruffa na huwag na nitong balikan pa si Yilmaz?
Gaano katotoong galit si Ruffa Gutierrez-Bektas sa kaibigan niyang si Carmina Villaroel?
Kaya namin ito naitanong ay dahil isa raw si Mina sa pinaringgan ni Ruffa nung Linggo sa The Buzz?
Ayon sa tsika sa amin, “Nagbigay daw ng unsolicited advise si Carmina kay Ruffa na parang pag bumalik pa raw si Ruffa kay Yilmaz (Bektas), e, sasampalin o magagalit siya, something to that effect.
“Katwiran ni Ruffa, sino si Carmina para mag sabi ng huwag na siyang bumalik sa asawa niya, e, asawa niya ‘yun, sana nagpaka-safe na lang siya ng sasabihin, siyempre as of now, sensitive si Ruffa maski na siguro gaano katindi ang gulo nila ng asawa niya, asawa niya pa rin yun at mahal niya ‘yun plus tatay ‘yun ng mga anak niya.
“Si Ruffa ang may final say kung babalik o hindi na kay Yilmaz, ang punto, huwag siyang pangunahan, e, lola Carmina mo taklesa na naman.”
As of now ay wala naman si Carmina sa bansa para kunan ng pahayag dahil kasalukuyan daw itong nasa ibang bansa for a vacation with her family.
* * *
Nakakaloka talaga ang album launching ng Paano Kita Iibigin nina Piolo Pascual at Regine Velasquez dahil alas sais ang call time at almost 9PM na dumating ang dalawa.
Katwiran nila ay last shooting day daw ng movie sa Majayjay, Laguna at na-traffic sila.
Apologetic naman sina PJ at Regine sa pagkaka-late.
* * *
How true na pagpapahingahin daw muna si Ehra Madrigal sa Lupin?
Tsika mismo ng isa sa cast ng nasabing programa ni Richard Gutierrez na nagiging pasaway na raw ang ate ni Michelle sa set kaya naiirita ang buong production staff sa kanya at nag-iinarte pa raw.
Kaya biglang babaguhin ang script na kunwa’y nasaksakan ng pampatulog at hindi alam kung kailan siya magigising. —REGGEE BONOAN
- Latest