Nawalan ng power ang mga suntok ni Manny sa mga nakalaban sa botohan
Martes nang umaga ay nakatanggap kami ng text message mula sa isang kaibigan-kasang ga ng People’s Champion na si Manny Pacquiao, “Tita, malungkot si Manny,” alam na namin agad na ang malaking agwat ng nakopong boto ni Cong. Darlene Antonino-Custodio sa Unang Distrito ng Cotabato City ang dahilan ng kalungkutan ng kampeong boksingero.
Kung may sampung boto sa isang presinto si Custodio ay lumalaro lang sa apat-lima ang para kay Pacman, kapag pinagsama-sama mo ang kalahating kalama ngan ng boto nito kay Manny, natural lang na milya-milya ang magiging suma-tutal nun.
Martes pa lang nang umaga ay inatake na ng depresyon si Manny, hindi lang ang pagkatalo niya ang ikinasasama ng loob ng kampeong bok singero, kundi pati ang mga taong pinagkatiwalaan niya nang isandaang porsiyento pero niloko lang pala siya.
May kinalaman sa usapin ng pananalapi ang kuwentong yun, ang piso ay nagiging isang libo, talagang pinagsamantalahan si Pacman ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Walang nagawa ang pananalo niya laban kay Jorge Solis para mabago niya ang desisyon ng kanyang mga kababayan, hindi sumapat ang popularidad niya para talunin ang kasalukuyang kongresista ng kanilang distrito, hindi binigyang-halaga ng kanyang mga kababayan ang pangako ni Manny na kapag siya ang nanalo ay dadalhin niya ang gobyerno sa General Santos City.
Opinyon ng mga nakakausap namin, ang pagiging malapit ni Manny Pacquiao sa Palasyo ang naging dahilan ng kan yang pagkatalo.
* * *
Hindi lang si Pacman ang inalat ngayong elek siyon, pati ang mga kandidatong inendorso ni Manny Pacquiao ay talunan din sa ginaganap pang bilangan ngayon, walang nagawang himala ang pagsakay niya sa motorcade ng mga kandidatong yun para makalusot sa labanan.
Kinabog ni Senador Alfredo Lim si Ali Atienza sa Maynila, ilang beses niyang tinulungan ang kandidatura nito, pero talo ang manok ni Pacman.
Umaandar na ang kanyang pangangampanya ay nagsadya pa siya sa Makati City, sumakay siya sa motorcade ni Senador Lito Lapid, pero ano ang nangyari?
Pare-pareho silang talo, pinakain sila ng alikabok ng kanilang mga kalaban, nawalan ng power ang mga suntok ni Manny sa botohan.
* * *
Ang nagbubunyi ngayon ay ang mga Vilma nian dahil sa kabila ng mga paninira sa kanilang idolo ay namamayagpag ngayon sa bilangan si Mayor Vilma Santos sa pagiging gobernador, hindi na problema ang kanyang pananalo, ang hinihintay na lang ng kampo ng Star For All Seasons ay kung gaano kalaki ang kalamangan ng kanyang boto sa pulitikong hanggang sa huling sandali ay binubuwisit pa rin siya.
* * *
Parang Bagong Taon na nung kausap namin si Enrico Roque ng Bodega Ng Bayan kahapon nang umaga, nagpapaputok na ang kanilang mga kaalyado, dahil ang kanyang kapatid na si Ricky Roque ang nag-number one sa Konseho ng Pandi, Bulacan.
Panalo ring mayor ang aming kaibigang si Tito Bobby Oca, nagtagumpay ang kanilang partido, kaya ganun na lang ang kaligayahan ni Enrico na tumutok nang husto sa kampanya ng nakababata niyang kapatid.
“Hindi po dito matatapos ang pasasalamat ko sa mga kababayan namin, sobra-sobrang saya po ang nararamdaman ko ngayon, dahil hindi nila binigo ang kapatid ko,” sinserong pahayag ng ama ng Bodega Ng Bayan.
* * *
Kampante na si Alma Moreno sa pagka-konsehal sa Unang Distrito ng Parañaque, panalo rin sa pagka-congressman sa Unang Distrito ng Laguna ang action star na si Dan Fernandez, pero malungkot si Jestoni Alarcon sa kinauwian ng kanyang laban sa pagka-congressman sa Antipolo City.
Ang dating namamatsoy lang ng basura sa Tondo na si Konsehal Isko Moreno, malapit nang umupong vice-mayor ng Maynila, habang tinututukan pa namin hanggang ngayon kung magbabago pa ang ihip ng hangin sa pagkandidato uling vice-mayor sa Parañaque ni Anjo Yllana.
- Latest