^

PSN Showbiz

Kim at Gerald, gagamitin ng ABS CBN para mapalakas ang isang bagong bagets show

-
Magre-reformat pala ang programang Let’s Go ng ABS-CBN dahil hindi raw kagandahan ang ratings nito kumpara sa katapat nitong programa sa GMA7.

Balitang idadagdag ng Dos sina Gerald Anderson, Kim Chiu, ang car racer na si Matteo Gaudecelli at ang award winning actress na si Gina Pareño sa nasabing youth oriented show na brainchild ni direk Bobot Mortiz.

At kung hindi magbabago ang plano ay Go Kada ang magiging titulo ng nasabing programa.

Samantala, bulungan naman na hindi raw regular sina Gerald at Kim sa Go Kada, gagamitin lang daw sila para tumaas ang ratings ng nasabing programa.
* * *
Remember Drae Ybañez, yung isa sa final 12 ng Philippine Idol first season?

Inamin niya na after ng PI, totally nawalan na siya ng career dahil nga ang top 3 lang naman ang binigyan ng album ng iba’t ibang recording company.

‘Yun palang Final 12 album nila under Sony/BMG ay super flop kasi kulang sa promo at saka hindi rin daw talaga ibinenta.

"I hope sa tulong ni Mr. Jeff Tan, owner of Bellhaus Entertainment Inc. ay maayos na po ang debut album ko, ‘coz I prefer R&B/pop, and good thing kasi magaganda po ‘yung songs na napili ni Mr. Jeff," kwento ni Drae.

Nabanggit naming super-duper flop din ang concert ng Final 12 sa Araneta Coliseum, "Kasi po walang promo, kumbaga kami-kami lang yata ang nakakaalam," natawa niyang sabi.

Si Jeff ang anak ng namayapang Bella Tan ng Universal Records at pangako sa ina at sa sarili na balang araw ay magtatayo rin siya ng sariling entertainment studio.

Bukod kay Drae ay kasama rin sina Amber Davis, Jojo Alejar at Mojofly sa planong pasikatin ni Jeff.
* * *
Buti pala sa July 25 ang playdate ng Quija movie nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal na produced ng GMA Films dahil kung sakaling magkakasabay sila ng Angels na produced nina Angel Locsin at Becky Aguila ay magsasalpukan ang mga talent ng Siete.

Contract stars ng GMA-7 sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado para sa Angel Love, Angel at Eunice Lagusad Angel of Mine at Marvin Agustin at Valerie Concepcion Daddy’s Angel at hindi naman din gusto ng mga producer na makatapat ang pelikula ng kapwa nila Kapuso stars.

Samantala, nakatakda palang magkaroon ng premiere night sa Amerika ang pelikulang Angels at kung hindi magbabago ay sa June 25 ang alis ng grupo ng dalawa at iba pang staff right after ng opening dito sa Pilipinas sa June 13 na released naman ng OctoArts Films.

Isasabay na rin ni Angel ang bakasyon niya sa Amerika dahil magtatapos na ang Asian Treasures, pero bago mangyari’yun ay papunta muna sila ng China this month.

And speaking of Jennylyn, kaarawan nito sa May 15 (after ng election) at isosorpresa raw siya ng boyfriend niyang si Patrick na patatapusin lang ang kaarawan ng aktres bago tumulak patungong Alaska sa May 19. – REGGEE BONOAN

AMBER DAVIS

AMERIKA

ANGEL LOCSIN

ANGEL LOVE

ARANETA COLISEUM

GO KADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with