^

PSN Showbiz

Pagagandahin ng siyensya!

- Veronica R. Samio -
Napaka-swerte ng mga babae ngayon, kahit ang pinaka-pangit ay pwedeng mapagan da ng siyensya. Kakailanganin lamang ay pera at wala namang babae ang hindi magpupursigeng kumita basta lamang maging mukhang artistahin sila at, sino ang mapagsasabi, baka pa sila makatisod ng isang prinsipe o tagapagmana ng malalaking negosyo.

Nakapili na ng tatlong finalists o mga babaeng pagagandahin ang Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Institute sa pamumuno ng mag-asawang David Bunevacz at Jessica Rodriguez para sa pakontes nilang Ms. Ugly (No More). Sila’y sina Ma. Luisa Ramos, 23, single, taga-Tondo at nangangarap maging isang dancer; Maria Lourdes Martillo Victorioso, 31, may asawa’t 3 anak at nangangarap maging singer at si Jeralyn Escorel, 27, may asawa’t isang anak at gustong maging entertainer sa abroad.

Ang tatlo ay bibigyan ng pagkakataon na gumanda sa pamamagitan ng isang buong makeover, dental at dermatological procedures. Ibig sabihin, lahat ng bagay na pwedeng ayusin mula sa kanilang mukha hanggang sa katawan ay aayusin para sila gumanda. Ang ganda, di ba?

Ang tatlong babae ay ready namang danasin ang mga paghihirap at sakit na mararanasan nila. Basta lamang gumanda sila, sa kamay ng mga magagaling na doktor ng Beverly Hills 6750.

Sa Hunyo ay ipiprisinta sila sa isang unveiling ceremony na kung saan ay makikita ang resulta ng tatlong linggong makeover nila at kung saan din ay makapagbibigay ang publiko ng kanilang text votes para malaman kung sino sa tatlo ang mananalo.
* * *
Isang malaking pa ngalan ang tinanggal ko sa aking listahan ng mga senatoriables para lamang maipasok ko ang pangalan ni Nikki Coseteng matapos ko siyang marinig na magsalita sa isang pa-presscon ni Mother Lily.

Pinaka-gusto ko sa mga sinabi niya ang paggawa ng isang bill na magbibigay ng limang taong di pagbabayad ng buwis ng mga taga-pelikula. Susunod ang pagtutol niya sa panukalang pagpapataw ng buwis sa text messaging na aniya ay pinakamurang komunikasyon ng tao.

"Kung gusto nilang makakuha ng more income, dapat pagtuunan nila ng pansin ang paggawa ng efficient tax collection scheme at hindi ang pagdaragdag ng mga unreasonable taxes sa tao," anang di korap, di political turn-coat at di raw oportunistang kandidato.
* * *
Naging publisher nun ng ilang tabloids si sen atoriable Prospero Pichay. Record producer din siya na siyang nagtatag ng Megabucks Records at yung artist niya ay si Lani Mercado.

Bago pa man nangyari ito ay talagang malapit na siya sa pamilya ng actress/singer, lalo na kay Sen. Bong Revilla. Dahil family friend siya ng mga Bautista kung kaya suportado siya nina Bong at Lani at kamakailan sa isang pagpupulong sa Cavite ay inendorso ni Bong ang kandidatura niya.

Minsan na ring naging movie producer si Cong. Pichay kaya kapag nahalal na senador ay balak niyang tulungan ang music at movie industry. Balak din niyang gumawa ng paran para masuportahan natin ang mga pelikulang inilalahok natin sa filmfest abroad.

Malapit na ang eleksyon, handang-handa na ang GMA News and Public Affairs, para sa pinakamalawak at pinakakomprehensibong coverage ng eleksyon ngayong taon – ang Eleksyon 2007.

Sa Lunes, maaasahan ng publiko ang pinaka-maiinit na pagbabalita – "minute-by-minute" at "blow-by-blow" ika nga – "live" mismo kung saan at kailan nagaganap ang mga pinakamahahalagang pangyayari. Lahat ng ito’y kabilang sa hindi mapapantayang 31-oras na marathon coverage, mula lamang sa Kapuso Network.

"We take great pride in being able to move viewers into action through relevant news and information. This is what a media network should be doing – making viewers realize that they have the power," ayon sa multi-awarded broadcast journalist and public affair host Mike Enriquez.
* * *
[email protected]

BEVERLY HILLS

BONG REVILLA

COSMETIC SURGERY AND SKIN INSTITUTE

DAVID BUNEVACZ

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with