^

PSN Showbiz

Connie Sison ng ABS-CBN, lumalabas na sa mga news program ng GMA 7

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ikinuwento ni Sandy Andolong kung paano siya ninerbyos ng husto noong una siyang umakyat ng stage para ikampanya ang asawang si Christopher de Leon. Nanginginig ang boses niya at halos ‘di makapagsalita, pero sa party na ibinigay nina Mother Lily at Malou Choa-Fagar, medyo sanay na ang actress magsalita sa harap ng maraming tao.

Kailangan talagang masanay ni Sandy na humarap sa maraming tao dahil ayon sa survey, nangunguna si Boyet sa mga kandidatong vice-governor. ‘Katuwa dahil pati sa Batangas, dadalhin nina Vilma Santos at Boyet ang kanilang loveteam.’

Samantala, bumilib si Boyet sa inamin ni Cesar Montano na more or less, P30M ang nawala sa kanya nang pumasok sa pulitika. Malaki rin ang nawala sa kanya, pero ‘di kasing-laki nang nawalang kikitain ng asawa ni Sunshine Cruz. Limitado ang budget ni Boyet, kaya kulang siya sa poster at ngayon lang humahabol.

Si Lotlot de Leon pa lang ang sumasama sa kampanya ni Boyet dahil si Ian de Leon ay galing ng Amerika at nag-guest sa shows ni Nora Aunor. Happy ang actor na nagkita ang mag-ina na matagal nagkalayo.
* * *
Tama ba ang nadidinig naming may ilang fans sina Shaina Magdayao at Rayver Cruz ang nagtatampo sa young actress? Sinisira raw nito ang kanilang loveteam dahil dikit nang dikit kay John Prats at ginagawa ito kahit kaharap ang kapareha.

Hitsura raw may MU o mutual understanding sina Shaina at John, pero alam ng lahat na may girlfriend ang actor. Kabaligtaran ito sa paniniwala ng marami, kabilang si Arnold Vegafria na manager ng actor na close friends lang ang dalawa.

Nabalitaan din naming problema ng talent coordinator ng kanyang mga show si Shaina dahil late mag-report sa taping. Turo raw ng mga kaibigan nitong magpa-late at magkaroon ng attitude because she deserves it.

Gaano ito katotoo?
* * *
Maganda ang paliwanag ni Annabelle Rama kung bakit hindi siya pumabor sa balak ng GMA-7 na ibalik ang loveteam nina JC de Vera at Valerie Concepcion. Ang dalawa sana ang magkapareha sa Sinasamba Kita dahil ang actor ang original choice sa role ni Carlo Aquino sa Sine Novela, pero pinul-out niya ang talent.

Naniniwala si Annabelle na hindi na magkiklik ang tambalang JC at Valerie at off tingnan na naglalambingan dahil may anak na ang actress. Si LJ Reyes ang gusto ni Annabelle na ka-love- team ng kanyang talent dahil kinakitaan niya ng chemistry ang dalawa.

Nang kunin si JC para sa Pati Pintig ng Puso kapalit ng Sinasamba Kita, si LJ ang isinadyest niyang makatambal ng talent. Hindi nga lang pumuwede dahil katatapos lang nila sa Magic Kamison. Si Yasmien Kurdi finally ang napiling kapareha ng actor sa second offering ng Sine Novela at aprubado kay Annabelle ang bagong leading lady ng alaga.
* * *
Napapanood na si Connie Sison sa news programs ng GMA-7 at tsika sa amin, may napa-"wow" sa mga dati nitong kasama sa ABS-CBN the first time siyang lumabas sa Flash Report. Kasama na rin siya sa election coverage ng network at inaalam pa namin kung totoong isasama siya sa Unang Hirit.

Ginastusan ng Ch. 7 ang kanilang election coverage dahil pinagawan pa nila ng uniform ang hosts at reporters nila. Gawa ni Rajo Laurel ang red uniform ng mga babae at si JC Buendia naman ang gumawa ng blue uniform ng mga lalaki. Sa Lunes, mapapanood na natin ang buong puwersa ng News and Public Affairs ng istasyon in their uniform.

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BOYET

DAHIL

SINASAMBA KITA

SINE NOVELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with