Natsuging PBB housemate, shocked nang malamang pinasakay lang siya ni Bruce!
May 8, 2007 | 12:00am
Nakausap namin si Wendy Valdez nung Linggo ng hapon sa The Buzz, hanggang ngayon ay nawiwirduhan pa rin ang dalaga kung bakit hindi siya naluha nung gabing mapalayas siya sa Pinoy Big Brother house.
Naging saksi ang publiko sa pagiging iyakin niya, pero nung Sabado ng gabi ay nag-reverse raw ang kanyang luha, isang bagay na hindi niya maintindihan hanggang ngayon.
Ang una niyang ginawa pagkatapos niyang makausap ang kanyang pamilya ay ang makausap ang kanyang boyfriend, meron nga siyang karelasyon, pero nakikipagmabutihan pa rin siya kay Bruce Quebral sa loob ng PBB house.
"Nagkausap na po kami kanina, complicated kasi ang sitwasyon namin, ang dami-dami nang nangyari na ewan ko nga ba kung ano ang kauuwian!
"Ayoko na lang pong magsalita pa, hayaan ko na lang munang ganun, pero ang talagang ikina-shock ko, nung malaman kong may girlfriend pala si Bruce!
"Hindi kasi niya sinabi sa akin yun, as in lahat kami, walang kaalam-alam na meron pala siyang karelasyon!" nanlalaki pa ang mga matang sabi ni Wendy.
Puro "I Love you" raw ang ibinubulong sa kanya ni Bruce nung palabas na siya, mga salitang naririnig niya, pero parang hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin.
Napanood namin ang eksenang yun, para siyang nasa estado ng pagka-shock, tumatango lang siya habang may sinasasabi si Bruce sa kanya.
Paglabas niya ay ipinakita si Bruce na iyak nang iyak, naglalabasan ang mga litid nito sa leeg habang pinipindut-pindot ang laruang iniwan sa kanya ng kapwa housemate. Pinanood din pala yun ni Wendy nung gabing yun.
Nagpakatoto lang sina John Estrada at Priscilla Meirelles ang Ms. Brazil na naging kalahok sa Ms. Earth 2004, umamin sila na paminsan-minsan ay lumalabas sila para mag-date.
Natiyempuhan pa namin sila nung minsan sa isang restaurant, nakilala namin agad si Priscilla, dahil dalawang taon na ang nakararaan ay nagkasama kami sa Wynn Hotel sa Las Vegas at ang kasama naman nito noon ay ang TV-host-model na si Marc Nelson.
Tapos na ang realsyon nila ni Marc, kinikilala pa lang nina Priscilla at John ang isa’t isa ngayon, nagkakagustuhan na nga siguro sila pero wala pa silang pormal na inaamin sa publiko.
Napakaganda ni Priscilla lalo na kapag wala itong make-up, ang mga tipo ni John Estrada ay mga babaeng hindi mahilig magkulapol ng make-up sa mukha.
Mukhang matatapos na ang kalungkutan ni John dahil sa paghihiwalay nila ni Vanessa del Bianco, nandito na ang beauty queen na palagi niyang kasama, hindi malayong makumpleto na ang kaligayahan ni John sa mga darating na araw.
Buo na ang desisyon ni Love Joy Fajardo, pagkapanganak niya ay gusto niyang sabay-sabay silang magpa-DNA test ng kanyang mister na si Franzen, ayaw na raw niyang ipagpilitan pang ito nga ang ama ng kanyang dinadala at hihintayin na lang niyang siyensya ang sumagot sa kanilang problema ngayon.
Diretsong sinabi ni Franzen na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ngayon ng kanyang misis, meron daw ba namang babaeng ginalaw ng kanyang mister ngayong gabi at pagkatapos lang nang isang linggo ay magsasabi nang buntis siya?
Lumilitaw na pinaninindigan nga ni Franzen ang bintang nito kay Joy na may third party sa kanilang relasyon, pero tama ang sinabi ng kanyang misis, hintayin na lang nilang maisilang ang sanggol para ang DNA test na ang magbigay ng pruweba kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling lang.
Naging saksi ang publiko sa pagiging iyakin niya, pero nung Sabado ng gabi ay nag-reverse raw ang kanyang luha, isang bagay na hindi niya maintindihan hanggang ngayon.
Ang una niyang ginawa pagkatapos niyang makausap ang kanyang pamilya ay ang makausap ang kanyang boyfriend, meron nga siyang karelasyon, pero nakikipagmabutihan pa rin siya kay Bruce Quebral sa loob ng PBB house.
"Nagkausap na po kami kanina, complicated kasi ang sitwasyon namin, ang dami-dami nang nangyari na ewan ko nga ba kung ano ang kauuwian!
"Ayoko na lang pong magsalita pa, hayaan ko na lang munang ganun, pero ang talagang ikina-shock ko, nung malaman kong may girlfriend pala si Bruce!
"Hindi kasi niya sinabi sa akin yun, as in lahat kami, walang kaalam-alam na meron pala siyang karelasyon!" nanlalaki pa ang mga matang sabi ni Wendy.
Puro "I Love you" raw ang ibinubulong sa kanya ni Bruce nung palabas na siya, mga salitang naririnig niya, pero parang hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin.
Napanood namin ang eksenang yun, para siyang nasa estado ng pagka-shock, tumatango lang siya habang may sinasasabi si Bruce sa kanya.
Paglabas niya ay ipinakita si Bruce na iyak nang iyak, naglalabasan ang mga litid nito sa leeg habang pinipindut-pindot ang laruang iniwan sa kanya ng kapwa housemate. Pinanood din pala yun ni Wendy nung gabing yun.
Natiyempuhan pa namin sila nung minsan sa isang restaurant, nakilala namin agad si Priscilla, dahil dalawang taon na ang nakararaan ay nagkasama kami sa Wynn Hotel sa Las Vegas at ang kasama naman nito noon ay ang TV-host-model na si Marc Nelson.
Tapos na ang realsyon nila ni Marc, kinikilala pa lang nina Priscilla at John ang isa’t isa ngayon, nagkakagustuhan na nga siguro sila pero wala pa silang pormal na inaamin sa publiko.
Napakaganda ni Priscilla lalo na kapag wala itong make-up, ang mga tipo ni John Estrada ay mga babaeng hindi mahilig magkulapol ng make-up sa mukha.
Mukhang matatapos na ang kalungkutan ni John dahil sa paghihiwalay nila ni Vanessa del Bianco, nandito na ang beauty queen na palagi niyang kasama, hindi malayong makumpleto na ang kaligayahan ni John sa mga darating na araw.
Diretsong sinabi ni Franzen na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ngayon ng kanyang misis, meron daw ba namang babaeng ginalaw ng kanyang mister ngayong gabi at pagkatapos lang nang isang linggo ay magsasabi nang buntis siya?
Lumilitaw na pinaninindigan nga ni Franzen ang bintang nito kay Joy na may third party sa kanilang relasyon, pero tama ang sinabi ng kanyang misis, hintayin na lang nilang maisilang ang sanggol para ang DNA test na ang magbigay ng pruweba kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling lang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended