Sharon, aprub na mag-attend si Direk Lino ng graduation ni KC
May 2, 2007 | 12:00am
Kaya wala sa anniversary party nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na bigay ni Mother Lily si Gary Valenciano dahil nagsu-shooting ng kanyang first digital movie. Gulong ang title ng movie na dinidirihe ni Sockie Fernandez formerly of Unitel at para sa Cinemalaya.
Supporting role ang ginagampanan ni Gary as the father of a young boy na gustong magkaroon ng bisikleta. Drama ito at mapipiga ang galing sa drama ng singer-actor. Kasama rin sa cast sina Robert Aravelo as Gary’s dad and Barbara Perez.
Kahit three days shoot lang siya, excited pa rin si Gary dahil comeback movie niya ang Gulong. Feeling proud din ito’t personal choice siya ni Butch Jimenez for the role na kahit hindi bida ay importante sa istorya.
Samantala, ipinabasa sa amin ni Angeli Pangilinan-Valenciano ang write-up ni Gary sa Strait Times at Today ng Singapore before and after his April 21 concert at the Suntec Singapore Convention Hall. Maganda ang review ng Singaporean writers sa concert at nag-enjoy daw ang 2,200 audience at pati Tagalog songs sa repertoire nito’y nagustuhan.
Sunod na pabibilibin ni Gary, ang dadalo sa global convention ng Hewlett Packard sa Beijing sa June 4. Siya ang main performer sa gala night ng convention.
May binuksang restaurant na naman pala si Marvin Agustin at sa Rockwell ang location nito. Hindi lang alam nang nagbalita sa amin ang pangalan ng resto at marami pa raw negosyo na bubuksan ang actor sa mga susunod na araw.
The same source ang nagbalita sa amin na lumipat na sa isang malaking bahay sa White Plains si Marvin from his rented condo sa Wack-Wack Subdivision. Nagri-rent lang daw ito ng bahay na may malaking garden at pool para sa kanyang kambal, pero ‘di kami magugulat kung isang araw ay makabili ito ng sariling bahay dahil successful ang mga negosyo.
Bukod sa income sa negosyo, malaki rin ang talent fee ni Marvin sa Asian Treasures at paggi-guest sa ibang shows sa GMA-7 at katatapos lang gawin ang Daddy’s Angel, isa sa episode ng trilogy movie na Angel ng Eagle Eye Entertainment.
Ngayong Wednesday na ang first taping day ng Pati Ba Pintig ng Puso, ang TV remake ng Sharon Cuneta at Gabby Concepcion movie sa Viva Films. Sina Yasmien Kurdi at JC de Vera naman ang bida sa TV version sa direksyon ni Gil Tejada. Kasama pa rin ito sa Sine Novela, pero ‘di na hihintaying matapos ang Sinasamba Kita dahil ang Muli ang papalitan nito.
First team-up nina Yasmien at JC ito at abangan nga natin kung carry nila ang maging Sharon at Gabby sa makabagong panahon.
Nilinaw naman ni Jun Lalin ang nasulat na kaya kay JC ibinigay ang Pati Ba Pintig ng Puso ay kapalit sa Sinasamba Kita dahil inalis ito at pinalitan ni Carlo Aquino. Hindi raw inalis si JC, kundi kusang inalis ni Annabelle Rama at alam namin kung bakit, pero ayaw naming isulat.
‘Kaaliw si Sharon Cuneta dahil magga-graduate na lang si KC Concepcion sa end of this month, hindi pa rin niya alam ang full course nito. Ang natatandaan lang nito’y may communication sa kurso nito.
Hindi nabanggit ni Sharon kung pupunta sila ni Sen. Kiko sa Paris para uma-attend sa graduation ni KC, pero hindi siya tututol kung gustuhin ni direk Lino Cayetano na dumalo.
Ngayong Wednesday episode ng Super Twins, magsisisigaw ang kambal sa ilalim ng lupa at makakatakas naman si Eliseo (Dennis Trillo) sa landmine gamit ang kanyang kapangyarihan at mahahanap niya ang kambal.
Si Billy (Patrick Garcia) naman ay maaaksidente, pero ililigtas siya ng kapatid na si Eliseo. Dahil sa matinding pahirap, sasabihin na ni Ester (Marian Rivera) kay Eliazar kung nasaan sina Sha-sha at Tin-tin.
Supporting role ang ginagampanan ni Gary as the father of a young boy na gustong magkaroon ng bisikleta. Drama ito at mapipiga ang galing sa drama ng singer-actor. Kasama rin sa cast sina Robert Aravelo as Gary’s dad and Barbara Perez.
Kahit three days shoot lang siya, excited pa rin si Gary dahil comeback movie niya ang Gulong. Feeling proud din ito’t personal choice siya ni Butch Jimenez for the role na kahit hindi bida ay importante sa istorya.
Samantala, ipinabasa sa amin ni Angeli Pangilinan-Valenciano ang write-up ni Gary sa Strait Times at Today ng Singapore before and after his April 21 concert at the Suntec Singapore Convention Hall. Maganda ang review ng Singaporean writers sa concert at nag-enjoy daw ang 2,200 audience at pati Tagalog songs sa repertoire nito’y nagustuhan.
Sunod na pabibilibin ni Gary, ang dadalo sa global convention ng Hewlett Packard sa Beijing sa June 4. Siya ang main performer sa gala night ng convention.
The same source ang nagbalita sa amin na lumipat na sa isang malaking bahay sa White Plains si Marvin from his rented condo sa Wack-Wack Subdivision. Nagri-rent lang daw ito ng bahay na may malaking garden at pool para sa kanyang kambal, pero ‘di kami magugulat kung isang araw ay makabili ito ng sariling bahay dahil successful ang mga negosyo.
Bukod sa income sa negosyo, malaki rin ang talent fee ni Marvin sa Asian Treasures at paggi-guest sa ibang shows sa GMA-7 at katatapos lang gawin ang Daddy’s Angel, isa sa episode ng trilogy movie na Angel ng Eagle Eye Entertainment.
First team-up nina Yasmien at JC ito at abangan nga natin kung carry nila ang maging Sharon at Gabby sa makabagong panahon.
Nilinaw naman ni Jun Lalin ang nasulat na kaya kay JC ibinigay ang Pati Ba Pintig ng Puso ay kapalit sa Sinasamba Kita dahil inalis ito at pinalitan ni Carlo Aquino. Hindi raw inalis si JC, kundi kusang inalis ni Annabelle Rama at alam namin kung bakit, pero ayaw naming isulat.
Hindi nabanggit ni Sharon kung pupunta sila ni Sen. Kiko sa Paris para uma-attend sa graduation ni KC, pero hindi siya tututol kung gustuhin ni direk Lino Cayetano na dumalo.
Si Billy (Patrick Garcia) naman ay maaaksidente, pero ililigtas siya ng kapatid na si Eliseo. Dahil sa matinding pahirap, sasabihin na ni Ester (Marian Rivera) kay Eliazar kung nasaan sina Sha-sha at Tin-tin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended