^

PSN Showbiz

Fashion designer nabiktima: Matinee idol gold digger

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
May pinaghahandaan na namang isang importanteng presentation ng kanyang Walang Tulugan ang master showman na si Kuya Germs. Aalalahanin naman niya sa May 5 ang isa pa niyang show, ‘yung GMA Supershow. Ang gagawin niya, isang reunion ng lahat ng kanyang mga naging co-hosts sa nasabing show simula nang mag-umpisa iyon.

Alam ni Kuya Germs na mahirap makakumpleto ang kanyang mga co-hosts, dahil busy din ang mga ito, lalo na ang may mga asawang ikinakampanya, at mayroon din namang iba sa kanila na may mga controversies kaya tiyak na mag-iiwasan, pero naniniwala si Kuya Germs na dahil siya mismo ang nagtatawag sa kanila, mapagbibigyan siya ng mga stars na kanyang nai-build up noong araw.

May mga iniisip na production numbers si Kuya Germs.

Bukod doon ilalabas daw nila ang mga videos noong dati nilang show, para naman ang generation ngayon ay magkaroon ng ideya kung gaano kaganda ang mga noontime shows noong araw.

Noon kasi ang ideya ng Sunday noontime show ay talagang puno ng mga entertainment numbers, hindi kagaya ngayon na puro kantahan na lang ng mga hosts.

Noon kung sino ang malalaking artista, sila ang guests. Kung sino man ang dumating na foreign artists sa bansa, hindi puwedeng hindi magiging guest sa show ni Kuya Germs. At saka noon inuuna nila na maging guest sa show ni Kuya Germs, dahil kung gagawin na nila ang number nila sa iba, at sa rami ng mga gustong maging guest sa show ni Kuya Germs, aba eh mahihirapan silang makasingit.

Tumagal nang halos dalawampung taon ang Sunday show ni Kuya Germs. Tinalo niya ang lahat ng mga naunang Sunday shows. Itinigil iyon nang napakataas pa ang ratings para bigyang daan ang sinasabi nila noon na mas modernong concept. Pero ngayon, may isang bagay na napatunayan si Kuya Germs. Iyong klase pala ng show niya ang hinahanap ng mga Pinoy sa abroad. Kaya naman ang kanyang Walang Tulugan ang may pinaka malaking audience share sa cable channels ng GMA Pinoy TV sa abroad.
* * *
Ang sinasabi ni Cesar Montano, ipapanukala niyang magkaroon ng isang moratorium upang hindi muna ipatupad sa industriya ng pelikula ang EVAT ng mga lima o hanggang sampung taon para makabangon muna ang industriya, at kung sakaling malakas na ang mga pelikula, ok lang siguro na magbayad na uli ng malaking tax.

Inamin din naman ni Cesar na ang nakakumbinsi sa kanyang pumasok sa pulitika ay ang nakikita niyang pagkakataon para makatulong sa industriya.

At least si Cesar, naiisip ang industriya, di gaya ng iba na lugmo na nga pinapatay pa.
* * *
Nagkukwento sa amin ang isang sikat na fashion designer. Naging boyfriend pala niya noong araw ang isang matinee idol na pinagdududahan din ang gender ngayon. Pero hindi pa sikat ang matinee idol nang maging boyfriend niya ang sikat na fashion designer.

Pero mautak daw talaga ang matinee idol ngayon, dahil kahit na noon pa man gold digger na. Ibig sabihin, magaling siyang manghingi ng pera sa mga baklang nakaka-date niya, at inamin ng fashion designer na alam naman niyang noong panahong ‘yun, hindi lang sa kanya nakikipag-date ang bading na matinee idol na iyan.

GERMS

KUYA

KUYA GERMS

PERO

SHOW

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with