^

PSN Showbiz

Asawa ni Franzen na si Love Joy, nag-react sa mga akusasyon niya!

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -
Sinagot ni Love Joy Rodrigo Fajardo ang akusasyon ni Franzen tungkol sa di umano’y ginagawa niyang pagpapautang sa mga kinikita ng kanyang asawa, 5-6 pa raw kung magpautang siya, gulat na gulat si Joy kung saan nakuha ni Franzen ang ganung kwento.

Si Joy ay tubong-Tabuc, Kalinga, pagsasaka ang ikinabubuhay sa kanilang lugar, meron siyang ipinauutang na P23,000 dun pero hindi sa paraan ng 5-6 kundi sa pamamagitan ng kung tawagin nila’y pakabanan.

"Kung kukuha po kayo ng isang libo, kapag anihan na, ang pinakatubo nun, isang kaban. Limang buwan po ang kailangan n’yong hintayin para sa isang kabang palay, 5-6 po bang maituturing ang ganun?" depensa ni Joy.

Meron din siyang listahan ng mga nagagastos nila ni Franzen, mula nung lumabas ang komedyante sa Bahay ni Kuya ay nakalista lahat yun sa mga lumang notebooks, kung paniniwalaan namin ang suma tutal ng mga nagastos at nabili nila ni Franzen mula sa mga kinita nito ay wala silang nawawalang pera.
* * *
Aminado si Joy na ang Jojo o Kadyong na sinasabi ni Franzen sa mga dokumento ng legal separation na ihinain nito sa korte ay nakarelasyon niya nung nasa kolehiyo pa siya.

Inamin din ni Joy na third cousin pala niya ito, pero nang kausapin sila ng kani-kanilang mga magulang na mali ang kanilang ginagawa dahil magpinsang maikatlo pala sila ay itinigil na nila ang relasyon, nagkaroon pa ng isang boyfriend si Joy pagkatapos ni Jojo bago sila nagkakilala ni Franzen dito sa Maynila.

"Kung ayaw niyang angkining anak ang ipinagbubuntis ko ngayon, magpa-DNA test kami. Pinasama na niya akong masyado, kung anu-ano nang accusations ang sinabi niya sa mga documents, huwag sana niyang pagsisihan ang mga ginawa niyang ito sa akin ngayon pagdating ng araw," lumuluhang sabi ni Joy.
* * *
Nilinaw din niya ang insidenteng naganap sa Boracay, hindi raw totoong sinampal niya si Franzen sa harap ng kanilang mga kasamahan sa Trip Na Trip, minura lang daw niya ito dahil sa kanyang mga nakikitang ginagawa ng kanyang mister at ng isang kasama sa produksyon na ayaw niyang pangalanan pa dahil hahaba lang ang usapan at may madadamay na malalaking pangalan sa istorya.

"Asawa po niya ako, hindi niya ako alalay, pero kung ituring niya ako, parang PA lang niya ako, kaya talagang nagalit ako sa kanya noon," humihikbing pagtatapat ni Joy.

Masyado siyang nasaktan nung padalhan silang mag-ina ni Franzen ng mga groceries, kailangan niyang pirmahan ang papel na kasama nito, ang nakalagay dun ay pagpapatotoo na tumanggap siya ng ilang sabon, noodles, gatas at toothpaste mula sa kanyang asawa.

"Ipinabalik ko po yun sa kanya, masyado naman niya kaming ginagawang busabos, huwag na po ako, ang anak na lang naming si Ranz huwag naman sana niya kaming ginagawang kaawa-awa," sa puntong yun ay halos hindi na makahinga si Joy sa matinding pag-iyak.
* * *
Ang totoong ikinasasakit ng loob ni Love Joy ay ang pag-alis ni Franzen sa kanilang bahay sa Kamuning nang hindi man lang siya kinakausap nito kung ano ang kanilang problema.

Hindi niya naman minamaliit ang komedyante pero kung siya ang tatanungin ay hindi kayang balangkasin ni Franzen ang nilalaman ng dokumento ng legal separation, alam din ni Franzen kung saan pupunta ang kanilang pera at lalong alam ni Franzen na wala siyang ibang karelasyon kundi ang kanyang asawa lang.

"Naaawa po ako kay Franzen, alam ko po ang capacity niya, pero bakit siya nagpadala sa mga sulsol? Natitiis niyang hindi makita ngayon ang anak namin. Makayanan sana ng kunsensiya niya ang mga pinaggagawa niya ngayon sa aming mag-iina," umiiyak na pagtatapos ni Love Joy Fajardo.

vuukle comment

FRANZEN

JOJO

JOY

KUNG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with