Regine, inamin na si Ogie!
April 27, 2007 | 12:00am
Finally, nagsalita na rin ni Regine Velasquez kung ano talaga ang real score nila ni Ogie Alcasid dahil hindi na siya nakatanggi sa pangungulit ng ilang entertainment press na dumalo sa press-launch ng Paano Kita Iibigin with Piolo Pascual under Star Cinema at Viva Films.
Sinubukan pa ring lumusot ni Songbird tungkol sa rumored romance nila ni Ogie by saying, "We’re really close friends" pero hindi na ito binili pa ng entertainment press at talagang ginisa na siya.
"Okey, seriously, let’s wait for what he will announce in June, kasi pangit naman kung sa akin manggaling, di ba?
"Since siya naman ang nagsabi na may ia-announce siya sa June, e, di hintayin natin, tapos saka ninyo ako uli tanungin kung ano naman ang sagot ko, kasi as of now, mahirap kung sa akin manggaling, hintayin natin siya, siya ‘yung guy, eh," malinaw na sabi ng singer/actress/TV host.
Idinaan na rin sa biro ni Regine na masyado raw kasi siyang halata kaya nabubuking na ang relasyon nila ng singer/actor/songwriter kaya marahil hindi na naniniwala ang lahat sa press release nilang ‘good friends’ sila, sabi nga, action speaks louder than words.
Natanong din ang leading lady ni PJ (palayaw ni Piolo) kung nagselos ba si Ogie sa pitong kissing scene at dalawang bedscene nila ng aktor sa Paano Kita Iibigin?
"Hindi naman, wala naman siyang reaksyon, tahimik lang at saka wala naman dapat," pabiro uling sabi ni Songbird.
Nagkaroon pala ng gap sina direk Wenn Deramas at Anne Curtis sa last shooting day of Ang Cute Ng Ina Mo dahil nagmaganda ang huli at gustong umalis sa set gayung ngaragan ang eksena nila.
"Nagpapaalam siya dahil may emergency siya, may kukunin daw siyang result ng x-ray, e, alam ko namang hindi emergency ‘yun, hindi ko pinayagan dahil alam kong hindi totoo," bungad ni direk Wenn sa amin.
Nag-attitude na raw kaya’t nairita si direk Wenn at hindi raw niya ito pinapansin hanggang natapos ang pelikula.
"Kung napansin ninyo sa ending, hindi ko siya idini-direk, ‘yung AD ko ang nagdi-direk sa kanya, kaya dusa ang lahat ng artista ko kasi double rehearsal sila dahil nga ayaw kong kausapin si Anne.
"Kinausap ko na rin ang manager niyang si Veronique (del Rosario-Corpus) na huling pelikula na ni Anne Ang Cute at wala na akong planong makatrabaho pa siya.
"Before the premiere night, binabati ako ni Anne, humingi ng sorry, lahat ginawa, pero hindi ko siya pinapansin. Pero nung tinawag na kami sa stage kinibo ko na siya, okey na. Madali naman akong kausapin, mahaba ang pasensiya ko, pero kapag sinagad mo, pasensiyahan tayo," kwento ng blockbuster director ng Cute Ng Ina Mo na naka P140-M na.
At talagang super-bati na sila kasi magkakatrabaho uli sila sa Mama Mia under Viva Films at Star Cinema ulit.
Business partners sina Cristina Decena aka Tina Castillo at ang kumakandidatong Mayor ng Caloocan City na si Rey Malonzo.
Ayon kay Cristina kaya siya napapayag na maging kasosyo ang dating Ama ng Kalookan ay dahil maganda ang record nito at maabilidad, pero kapag may nalaman daw siyang hindi maganda sa ugali nito ay goodbye na dahil ayaw daw niyang malasin ang negosyo nila. –REGGEE BONOAN
Sinubukan pa ring lumusot ni Songbird tungkol sa rumored romance nila ni Ogie by saying, "We’re really close friends" pero hindi na ito binili pa ng entertainment press at talagang ginisa na siya.
"Okey, seriously, let’s wait for what he will announce in June, kasi pangit naman kung sa akin manggaling, di ba?
"Since siya naman ang nagsabi na may ia-announce siya sa June, e, di hintayin natin, tapos saka ninyo ako uli tanungin kung ano naman ang sagot ko, kasi as of now, mahirap kung sa akin manggaling, hintayin natin siya, siya ‘yung guy, eh," malinaw na sabi ng singer/actress/TV host.
Idinaan na rin sa biro ni Regine na masyado raw kasi siyang halata kaya nabubuking na ang relasyon nila ng singer/actor/songwriter kaya marahil hindi na naniniwala ang lahat sa press release nilang ‘good friends’ sila, sabi nga, action speaks louder than words.
Natanong din ang leading lady ni PJ (palayaw ni Piolo) kung nagselos ba si Ogie sa pitong kissing scene at dalawang bedscene nila ng aktor sa Paano Kita Iibigin?
"Hindi naman, wala naman siyang reaksyon, tahimik lang at saka wala naman dapat," pabiro uling sabi ni Songbird.
"Nagpapaalam siya dahil may emergency siya, may kukunin daw siyang result ng x-ray, e, alam ko namang hindi emergency ‘yun, hindi ko pinayagan dahil alam kong hindi totoo," bungad ni direk Wenn sa amin.
Nag-attitude na raw kaya’t nairita si direk Wenn at hindi raw niya ito pinapansin hanggang natapos ang pelikula.
"Kung napansin ninyo sa ending, hindi ko siya idini-direk, ‘yung AD ko ang nagdi-direk sa kanya, kaya dusa ang lahat ng artista ko kasi double rehearsal sila dahil nga ayaw kong kausapin si Anne.
"Kinausap ko na rin ang manager niyang si Veronique (del Rosario-Corpus) na huling pelikula na ni Anne Ang Cute at wala na akong planong makatrabaho pa siya.
"Before the premiere night, binabati ako ni Anne, humingi ng sorry, lahat ginawa, pero hindi ko siya pinapansin. Pero nung tinawag na kami sa stage kinibo ko na siya, okey na. Madali naman akong kausapin, mahaba ang pasensiya ko, pero kapag sinagad mo, pasensiyahan tayo," kwento ng blockbuster director ng Cute Ng Ina Mo na naka P140-M na.
At talagang super-bati na sila kasi magkakatrabaho uli sila sa Mama Mia under Viva Films at Star Cinema ulit.
Ayon kay Cristina kaya siya napapayag na maging kasosyo ang dating Ama ng Kalookan ay dahil maganda ang record nito at maabilidad, pero kapag may nalaman daw siyang hindi maganda sa ugali nito ay goodbye na dahil ayaw daw niyang malasin ang negosyo nila. –REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended