Naparalisa ang katawan at nadamay pa ang isang mata
April 26, 2007 | 12:00am
Hindi sinasadyang nagkita kami ni Rustom Padilla nang dumalaw sa taping ng Aalog-Alog. Ang tagal din naming di nagkita kaya matagal kaming nagkwentuhan.
Nilinaw nito na kaya siya di nakadalo sa presscon at premiere night ng Happy Hearts, dahil nagkasakit siya ng isang buwan at kalahati.
Baligtad na nailagay ang kanyang brace ng assistant ng isang orthodontist. Namanhid ang kalahati ng katawan niya at di maigalaw ang isang mata. Naalarma ang aktor dahil nai-suggest ng orthodontist na magpa-neuro-surgery siya. Kaya kumunsulta ito ng ibang doktor at ipinatanggal ang braces at dun nalaman na mali pala ang pagkakalagay ng brace.
"Huli kaming nagkita noong nakaraang taon. Kapag nag kita kami sasabihin ko sa kanya ay "Thank You" dahil napakabait nito. Kailanman ay di ako nakarinig ng masamang salita laban sa akin nang ipagtapat ko sa buong Pilipinas na isa akong gay," sabi ni Rustom.
"Noong nasa PBB ako ay tinatanong ko kung tama ba o mali ang naging desisyon ko? Humingi ako ng sign kay Lord at isang mariposa ang tumambad sa aming paningin ni Keanna Reeves na dumapo pa sa aking paa paakyat hanggang dumampi ito sa aking labi. Parang nabunutan ako ng tinik at nawala ang bigat sa dibdib ko dahil sinagot Niya ang panalangin ko. Sabi ko, ‘Lord this is it na’ kaya ngayon malaya na ako," sey ni Rustom.
Bukod sa pag-aartista ay gusto rin nitong magdirek dahil nag-aral naman siya sa Amerika. Ang Best Actor Award na natanggap niya mula sa Gawad Tanglaw for his brilliant performance sa ZsaZsa Zaturnnah ang nagbibigay inspirasyon para galingan pa nito ang pag-arte.
Umalis noong Sabado si Angel Locsin para magbakasyon sa Boracay kasama ang ilang kaibigan. Dun na rin ito nagpalipas ng kanyang 20th birthday.
Hindi sanay sa magarbong selebrasyon ang aktres at ang nais lang niya ay magtulog at bumawi sa matinding pagod mula sa taping, shooting at commercial shoot. Ito bale ang regalo niya sa sarili.
"Tita, babalik din ako at magdi-dinner kaming magpamilya at gusto kong makapiling ang mga taga-Gabriela dahil advocacy ko ang pagtatanggol sa kara patan ng mga kababaihan at kabataan," aniya.
Ayon sa isang aktor, bulagsak sa pera ang sikat na aktres. Kapag may hawak na pera ay di ito marunong mag-impok o mag-invest kaya namomroblema ngayon. Minsan itong tinulungan ng aktor at pinatira sa kanyang condo kung saan sagot pa nito ang pagkain kahit toothpaste o sabon ng aktres.
Hindi siya (aktres) makaipon dahil kapag may pera at dramahan lang ng madir ay ibibigay niya ito na dapat ay para sa kanyang sarili at sa pamilya. Mabait kasi ang aktres at mahal na mahal nito ang ina.
Matamlay ang career ng magaling na aktres dahil di pa rin nagbabago pagdating sa propesyonalismo.
Nilinaw nito na kaya siya di nakadalo sa presscon at premiere night ng Happy Hearts, dahil nagkasakit siya ng isang buwan at kalahati.
Baligtad na nailagay ang kanyang brace ng assistant ng isang orthodontist. Namanhid ang kalahati ng katawan niya at di maigalaw ang isang mata. Naalarma ang aktor dahil nai-suggest ng orthodontist na magpa-neuro-surgery siya. Kaya kumunsulta ito ng ibang doktor at ipinatanggal ang braces at dun nalaman na mali pala ang pagkakalagay ng brace.
"Noong nasa PBB ako ay tinatanong ko kung tama ba o mali ang naging desisyon ko? Humingi ako ng sign kay Lord at isang mariposa ang tumambad sa aming paningin ni Keanna Reeves na dumapo pa sa aking paa paakyat hanggang dumampi ito sa aking labi. Parang nabunutan ako ng tinik at nawala ang bigat sa dibdib ko dahil sinagot Niya ang panalangin ko. Sabi ko, ‘Lord this is it na’ kaya ngayon malaya na ako," sey ni Rustom.
Bukod sa pag-aartista ay gusto rin nitong magdirek dahil nag-aral naman siya sa Amerika. Ang Best Actor Award na natanggap niya mula sa Gawad Tanglaw for his brilliant performance sa ZsaZsa Zaturnnah ang nagbibigay inspirasyon para galingan pa nito ang pag-arte.
Hindi sanay sa magarbong selebrasyon ang aktres at ang nais lang niya ay magtulog at bumawi sa matinding pagod mula sa taping, shooting at commercial shoot. Ito bale ang regalo niya sa sarili.
"Tita, babalik din ako at magdi-dinner kaming magpamilya at gusto kong makapiling ang mga taga-Gabriela dahil advocacy ko ang pagtatanggol sa kara patan ng mga kababaihan at kabataan," aniya.
Hindi siya (aktres) makaipon dahil kapag may pera at dramahan lang ng madir ay ibibigay niya ito na dapat ay para sa kanyang sarili at sa pamilya. Mabait kasi ang aktres at mahal na mahal nito ang ina.
Matamlay ang career ng magaling na aktres dahil di pa rin nagbabago pagdating sa propesyonalismo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am