Oyo, payag mag-promote sa Wowowee!
April 24, 2007 | 12:00am
Dahil ang nag-aala ga sa kanya ay si Malou Choa Fagar, prodyuser ng Eat Bulaga at isang malaking tao sa TAPE na ang outlet ay GMA7, kung kaya marami ang nagtaka nang lumipat ng network ang batang aktor na si Oyo Boy Sotto.
Nasa ABS CBN na ito ngayon at unti-unti nang nagkakaro’n ng maraming programa. Isa na rito ang Pedro Penduko at ang mga Engkantao na aniya ay hindi naging bone of contention nila ng kanyang amang si Vic Sotto. Kahit pa makakatapat nito ang Fantastic Man ng GMA na ineendorso naman ng kanyang ama.
"Wala kaming kumpetisyon ng dad ko, gusto lang namin pare-parehong magpasaya ng tao. At wala sa kamay ko kung anong programa ng GMA ang makakatapat ng programang kasali ako sa ABS," aniya.
When asked kung papayag ba siyang mag-promote ng kanyang mga programa sa Wowowee na alam naman ng lahat ay kalabang mortal ng programang ipinoprodyus ng kanyang manager at tinatampukan ng kanyang ama at mga kaibigan nito, sinabi niyang "Wala ring problema sa akin pero, may manager akong magpapasya para rito," sabi niya.
Si Oyo si Josef sa Pendro Penduko, isang engkantao, kalahating tao, kalahating engkanto na may kapangyarihan ng telekinesis. Isa siya sa maaring isugo ng demonyong si Kalagua (Angelika dela Cruz) para gunawin ang mundo at ang mga naninirahan dito.
May mga bagong makakasama si Pedro Penduko (Matt Evans), bukod kay Oyo, sina Maja Salvador (ang invisible na si Marie), Denise Laurel (ang may pakpak na si Dianne), Aaron Villaflor (si Edward na may kapangyarihan sa tubig), Makisig Morales (si Moy na nakakagawa ng balls of fire) at sina Agot Isidro, Melissa Ricks, Jake Cuenca, Kitkat, Michelle Madrigal, Eda Nolan, Aaron Agassi, Cris Daluz, at si Miss Gloria Romero.
Sa kanyang edad na 22, isa nang matapang na babae si Tina Semolic, ang Slovenian na isang linggong mamamalagi sa Bahay ni Kuya kapalit ng Pinoy na si Bruce Quebral na ipinadala naman sa kanyang bansa sa kauna-unahang housemates swapping na nagaganap sa Pinoy Big Brother.
Siguradong, lulutang ang babaeng ito sa bugkos ng mga housemates, hindi lamang dahil kakaiba siya sa mga daratnan niya. Matangkad siya at 5’8", sporty, at matapang dahil lumaki sa puder ng mga babaeng matapang, ang kanyang ina, tiyahin, kapatid at mga kaibigan.
Pagpasok niya sa bahay ni kuya, ibabahagi niya ang kakaibang kultura ng kanyang bansa sa mga daratnan niya at inaasahan na meron din siyang matututunang magagandang bagay na madadala niya pag-uwi ng Slovenia.
E-mail: [email protected]
Nasa ABS CBN na ito ngayon at unti-unti nang nagkakaro’n ng maraming programa. Isa na rito ang Pedro Penduko at ang mga Engkantao na aniya ay hindi naging bone of contention nila ng kanyang amang si Vic Sotto. Kahit pa makakatapat nito ang Fantastic Man ng GMA na ineendorso naman ng kanyang ama.
"Wala kaming kumpetisyon ng dad ko, gusto lang namin pare-parehong magpasaya ng tao. At wala sa kamay ko kung anong programa ng GMA ang makakatapat ng programang kasali ako sa ABS," aniya.
When asked kung papayag ba siyang mag-promote ng kanyang mga programa sa Wowowee na alam naman ng lahat ay kalabang mortal ng programang ipinoprodyus ng kanyang manager at tinatampukan ng kanyang ama at mga kaibigan nito, sinabi niyang "Wala ring problema sa akin pero, may manager akong magpapasya para rito," sabi niya.
Si Oyo si Josef sa Pendro Penduko, isang engkantao, kalahating tao, kalahating engkanto na may kapangyarihan ng telekinesis. Isa siya sa maaring isugo ng demonyong si Kalagua (Angelika dela Cruz) para gunawin ang mundo at ang mga naninirahan dito.
May mga bagong makakasama si Pedro Penduko (Matt Evans), bukod kay Oyo, sina Maja Salvador (ang invisible na si Marie), Denise Laurel (ang may pakpak na si Dianne), Aaron Villaflor (si Edward na may kapangyarihan sa tubig), Makisig Morales (si Moy na nakakagawa ng balls of fire) at sina Agot Isidro, Melissa Ricks, Jake Cuenca, Kitkat, Michelle Madrigal, Eda Nolan, Aaron Agassi, Cris Daluz, at si Miss Gloria Romero.
Siguradong, lulutang ang babaeng ito sa bugkos ng mga housemates, hindi lamang dahil kakaiba siya sa mga daratnan niya. Matangkad siya at 5’8", sporty, at matapang dahil lumaki sa puder ng mga babaeng matapang, ang kanyang ina, tiyahin, kapatid at mga kaibigan.
Pagpasok niya sa bahay ni kuya, ibabahagi niya ang kakaibang kultura ng kanyang bansa sa mga daratnan niya at inaasahan na meron din siyang matututunang magagandang bagay na madadala niya pag-uwi ng Slovenia.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended