^

PSN Showbiz

Dingdong, Marespetong direktor

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakita namin kung gaano kagaling na direktor si Dingdong Dantesÿ. Paulit-ulit silang nagti-take ng mga eksena ng kanyang mga artista sa isang episode ng Angels.

"Gusto kong maging realistic ang mga eksena at mailarawan ng buong husay ang kanilang mga karakter. Ang galing nilang umarte lalo na si Marvin Agustin at Jaclyn Jose kaya binibigyan ko sila ng freedom to act. But I’m open for suggestions. Ngayon lang ako nag-direct sa pelikula at drama pa ito kaya pinagbubuti ko ang aking trabaho. At least pag tumanda na ako at di na sikat na artista ay pwede naman akong magdirek, di ba?" sey nito.
Saludo Kay Richard
Tinanong namin si Dingdong Dantes kung sino sa mga artistang kandidato ngayong eleksyon ang iboboto niya.

"Gusto ko si Richard Gomez. Hanga ako sa paninindigan niya dahil pag may gustong gawin ay tinutupad niya. Gusto niyang mag-excel lagi sa isang bagay gaya ng pagsugpo sa droga at sa sports. Bilib din ako sa kanyang persistence para makatulong sa movie industry gayundin sa pagtulong sa mga kababayan natin na walang hanapbuhay.
Anak Ni Nadia, Nabigyan Ng Break
Malaking break ang dumating sa magandang anak ni ÿNadia Montenegro na si Alynna Asistio sa Who’s Your Daddy Now? ng GMA 7.

Si Alynna ay pangalawa sa anim na anak nina Nadia at Boy Asistio at fourth year na sa Maria Montessori School. Balak nitong kumuha ng nursing o tourism sa college.

Napansin ng GMA executives ang pagiging lista at kikay ng. teener nang mag-host ito ng Candies kasama sina Inah Estrada at Winwin Marquez.
Palamura Ang Young Actor/ Director
Ayaw naming maniwala sa syete ng isang source na taga-showbiz din tungkol sa young actor-director na nag̤bago raw ng pag-uugali.

Konting pagkakamali lang daw ng artista ay naninigaw na ito at kapag hindi nakuha ang kanyang instruction ay nagmumura pa ito.

"Talagang feeling niya ay sikat na siyang direktor. Hindi naman siya dating ganun," anang staff.

Sabi pa nila, okey lang daw na manigaw ito kung kasinggaling na siya ni Direk Joel Lamangan.

ALYNNA ASISTIO

ANAK NI NADIA

BOY ASISTIO

BUT I

DINGDONG DANTES

INAH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with