Pat-P Daza, bagong Inday Badiday
April 22, 2007 | 12:00am
Malakas ang loob ni Wilson Tieng para mamuhunan ng milyones upang muling buhayin ang RPN-9.
Maraming mga bagong programa ngayon sa Channel 9 na dumarami ang mga nanonood. Believe ang mga showbiz insiders sa Solar Entertainment producer sa tapang na bumangga sa mga higanteng network.
Una na rito ang Showbiz Ka na napapanood sa RPN-9, Monday to Friday, 8NG. Hosted by Pat-P Daza Planas, palaging high energy ang 30-minute showbiz talk show.
Every day, tatlong mga entertainment journalists ang tampok bilang panelist ng programa. Sa format ng show, ang tatlong guest ay magbibigay muna ng kanya-kanyang scoop, bago ang tanungan portion with a featured celebrity.
Sa husay mag-host ni Pat-P at sa kanyang very contagious laughter, pataas nang pataas ang rating ng Showbiz Ka. Magaling mag-moderate ang daughter ni Julie Yap Daza. Maaasahan din si Pat-P sa mabilis na pagpuna, kapag may mga tanong na off tangent at tipong makakainsulto sa bisitang artista.
Lalong mabilis ang isip ni Pat-P sa mga nakakatuwang side comments at pagsalo, pati na ang pagbibigay ng follow-up questions at tamang rejoinder sa mga komentong medyo alangan.
Kapag nanood kayo minsan ng Showbiz Ka, tiyak na magiging isa na kayo sa mga regular televiewers ng show. Dahil nakakalibang talaga, in a decent manner.
Ang mga iba pang bagong attractions sa RPN-9 ay ang Dalawang Tisoy at Kemis na parehong sitcom.
Si Bayani Agbayani ang bida sa Kemis na ang ibig sabihin ay kay misis umaasa.
Ang palagi naming pinapanood na Dalawang Tisoy tuwing Huwebes, 8:30NG, sina Eddie Gutierrez at Freddie Webb ang gumaganap sa title roles.
Pang-comedy ang sitwasyon ng show. Magkapatid sina Eddie at Freddie at bading ang kanilang yumaong ama na nagpamana sa kanila ng isang gay bar. Ang manager sa kanilang negosyo ay si Melanie Marquez.
Kasama rin sa show sina Sandara Park at iba pa.
Nakakatuwa ang sitcom at lagi naming inaabangan tuwing Huwebes ng gabi, right after Showbiz Ka. Kahit minsan hindi naman known ang kanilang guest, kaya magtatanong ka ng Cynthia (sino siya) o Simeon (sino ‘yon), mga mahuhusay namang artista at perfect sa comedy.
Sa evening news program naman ng RPN-9 ay nagulat na lang kami minsan na ang isa sa mga anchor persons ay si Aryana. Magaling naman pala siyang magbalita. Buong pangalan ang ginamit niya sa show, Aryana Lim. Makalimutan na kaya niya ang kanyang singing career, ngayong higit na nakikita ang kanyang potential bilang broadcaster?
Minsan ko lang napanood ng live ang isang singer pero nahirapan ako. Kasi naman sa ilong dumadaan ang kanyang boses kapag kumakanta.
Kaya tatlong kanta pa lang, pulang-pula na ang kawawa niyang ilong!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended