Sa sitcom galing ang mansyon ni Raymart
April 18, 2007 | 12:00am
Inspirado ngayon si Raymart Santiago sa trabaho dahil malapit nang magsilang ng kanilang unang baby si Claudine Barretto. Nasanay na rin siya sa pagiging daddy dahil magkatuwang sila ng asawa sa pagpapalaki sa kanilang adopted daughter na si Sabina.
Parehong July 20 ang birthday ng mag-asawa. July 20 din ang due date ng baby kaya umaasa si Raymart na sana’y magkapareho nga silang tatlo ng kaarawan. Ang bata ay isisilang via caesarean section. "Sana pare-pareho kami ng kaarawan para isa na lang ang gastos," biro ni Raymart.
Sa kabilang banda, kasama ang aktor sa Who’s Your Daddy Now? kung saan ginagampanan nito ang papel ni Mario, isa sa pinaghihinalaang ama ni Alynna Asistio, sila ni Joey Marquez.
Sinabi pa rin ni Raymart na dahil sa sitcom ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanila ni Claudine.
Alam namin kung gaano ka-sinsero si Richard Gomez sa magandang layunin nito para masugpo ang droga na talamak sa ating lipunan. Katunayan, noong panahon pa ng ikinakampanya nito ang MAD ay payag siyang maging speaker on Drug Abuse sa iba’t ibang iskwelahan nang walang bayad.
Ngayong kakandidato siyang senador, ito pa rin ang kanyang advocacy na sugpuin ang droga (anti-drugs) bukod pa sa Youth and Sports.
Tutulong din ang aktor para maitaas ang sweldo ng manggagawa at sa pagsulong ng cottage industry. Malaki ang nagagawa nito para maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawa ayon pa sa aktor. Suportado ni Susan Roces si Goma.
Fashionable morning ang naghihintay sa Sis viewers ngayong umaga dahil pag-uusapan nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villaroel ang latest summer fashion trend.
Magiging guest sina Chynna Ortaleza, Ryza Cenon, LJ Reyes, Rhian Ramos gayundin ang mga fashion designers na sina Jepoy Rogador, Reian Mata, Jerome Ang at John Herrera.
Parehong July 20 ang birthday ng mag-asawa. July 20 din ang due date ng baby kaya umaasa si Raymart na sana’y magkapareho nga silang tatlo ng kaarawan. Ang bata ay isisilang via caesarean section. "Sana pare-pareho kami ng kaarawan para isa na lang ang gastos," biro ni Raymart.
Sa kabilang banda, kasama ang aktor sa Who’s Your Daddy Now? kung saan ginagampanan nito ang papel ni Mario, isa sa pinaghihinalaang ama ni Alynna Asistio, sila ni Joey Marquez.
Sinabi pa rin ni Raymart na dahil sa sitcom ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanila ni Claudine.
Ngayong kakandidato siyang senador, ito pa rin ang kanyang advocacy na sugpuin ang droga (anti-drugs) bukod pa sa Youth and Sports.
Tutulong din ang aktor para maitaas ang sweldo ng manggagawa at sa pagsulong ng cottage industry. Malaki ang nagagawa nito para maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga manggagawa ayon pa sa aktor. Suportado ni Susan Roces si Goma.
Magiging guest sina Chynna Ortaleza, Ryza Cenon, LJ Reyes, Rhian Ramos gayundin ang mga fashion designers na sina Jepoy Rogador, Reian Mata, Jerome Ang at John Herrera.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended