Paolo Ballesteros, nakita ni DJ Mo sa isang gay bar
April 17, 2007 | 12:00am
Sa Showbiz Ka ni Pat-P Daza-Planas ay buong ningning na ibinuko ni Mo Twister na ‘bading’ si Paolo Ballesteros dahil nakita raw niya ito sa gay bar.
"Why is he there in Government, it’s a gay bar. I was there because of work, e, siya?"
Matagal nang tsismis ito sa isa sa host ng Eat Bulaga pero, hindi siya pumapalag dahil katwiran niya wala namang proof at kung magsasalita siya ay mas lalong lalaki ang isyu.
Pero sa pagkakataong ito, dapat na sigurong umalma ang alaga ni Joji Dingcong dahil sa national television na siya ibinuking ni DJ Mo.
Nali-link ngayon si Angel Locsin kay Paolo Paraiso dahil producer si Angel ng Daddy’s Angel, isa sa trilogy ng pelikulang Angels ng Eagle Eye Production na kung saan ay kasama si Paolo.
Nagtataka kami kung bakit na-link ang aktres sa ex-boyfriend ni Mylene Dizon gayung hindi naman sila nagkakasama at minsan lang nagkita nung dumalaw si Angel sa set ng pelikula since gusto rin niyang makita ang nangyayari sa shooting ng pelikulang pinoprodyus niya, kasama ang manager niyang si Becky Aguila.
Anyway, nag-last shooting na ang Angel of Mine na isang hard hitting reporter ang role ni ‘Gel na idinirek naman ni Gina Alajar.
As we go to press, papuntang Boracay ang aktres para makapag-pahinga ng todo dahil malapit na ang kaarawan niya, sa April 23.
Napanood namin ang Rock Da Vote last Friday sa Music Museum kung saan si Chokoleit ang gumaganap ng Sherap for two-nights.
Grabe, simula umpisa ng show ay hindi na kami tumigil sa katatawa, sabi nga rin ng ibang nakapanood, nakalimutan daw nila pansamantala ang mga problema nila.
In fairness, maganda ang script, walang lumaylay at walang nag-OA sa mga stand-up comedian na nagsiganap tulad nina John Lapus, Candy Pangilinan, Manny ‘Pooh’ Quiao at Jon Santos.
Nasa 90% ang taong nanood sa unang gabi at malamang na mas marami nung ikalawang gabi (Sabado) dahil mas malakas daw ang tickets selling ng weekend.
Masuwerte ang ASAP Music na siyang producer ng show sa apat na gabi dahil mababawi nila ang puhunan nilang umabot yata sa P2 milyon.  REGGEE BONOAN
"Why is he there in Government, it’s a gay bar. I was there because of work, e, siya?"
Matagal nang tsismis ito sa isa sa host ng Eat Bulaga pero, hindi siya pumapalag dahil katwiran niya wala namang proof at kung magsasalita siya ay mas lalong lalaki ang isyu.
Pero sa pagkakataong ito, dapat na sigurong umalma ang alaga ni Joji Dingcong dahil sa national television na siya ibinuking ni DJ Mo.
Nagtataka kami kung bakit na-link ang aktres sa ex-boyfriend ni Mylene Dizon gayung hindi naman sila nagkakasama at minsan lang nagkita nung dumalaw si Angel sa set ng pelikula since gusto rin niyang makita ang nangyayari sa shooting ng pelikulang pinoprodyus niya, kasama ang manager niyang si Becky Aguila.
Anyway, nag-last shooting na ang Angel of Mine na isang hard hitting reporter ang role ni ‘Gel na idinirek naman ni Gina Alajar.
As we go to press, papuntang Boracay ang aktres para makapag-pahinga ng todo dahil malapit na ang kaarawan niya, sa April 23.
Grabe, simula umpisa ng show ay hindi na kami tumigil sa katatawa, sabi nga rin ng ibang nakapanood, nakalimutan daw nila pansamantala ang mga problema nila.
In fairness, maganda ang script, walang lumaylay at walang nag-OA sa mga stand-up comedian na nagsiganap tulad nina John Lapus, Candy Pangilinan, Manny ‘Pooh’ Quiao at Jon Santos.
Nasa 90% ang taong nanood sa unang gabi at malamang na mas marami nung ikalawang gabi (Sabado) dahil mas malakas daw ang tickets selling ng weekend.
Masuwerte ang ASAP Music na siyang producer ng show sa apat na gabi dahil mababawi nila ang puhunan nilang umabot yata sa P2 milyon.  REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am