Bahay nina Vi at Ralph, minana na ni Lucky!
April 17, 2007 | 12:00am
Maganda ang regalong natanggap ni Lucky Manzano mula sa kanyang inang si Vilma Santos at Ralph Recto. Sa darating na Abril 21 ay kaarawan ng aktor at 26 years old na ito.
May sariling condo si Lucky pero ang magandang regalong matatanggap nito ay ang tinitirhang bahay ni Mayor Vi at Sen. Ralph sa Green Meadows.
"Ang naipon kong pera mula sa kinikita ko sa showbiz ang siyang gagamitin ko sa pagpapa-renovate ng bahay. Pagagandahin ko ito. Sina Mommy naman ay nagpapagawa ng bahay sa Alabang. Solo akong mamumuhay dito at balang araw ay dito ko rin ititira ang magiging asawa ko. Nagpapasalamat ako sa kabutihan ng aking magulang sa akin," aniya.
Dumalo sina Lucky Man zano, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Jhong Hilario, Rafael Rosell sa launching ng soundtrack ng Rounin.
Ang title track na "Argos" ay ginawa ng sikat na Bamboo at ito ang first venture ng banda para mag-record ng awitin para sa isang primetime television show.
Ang payat-payat ni Diether Ocampo. Mahaba ang buhok nito na naka-pony tail.
Tinanong namin sa kanya si Kristine Hermosa?
"Tuloy pa rin ang panliligaw ko sa kanya. Katunayan, sabay pa nga kami kamakailan nang magtungo sa firing lesson. Kaya ako payat ay dahil nagkasabay ang taping ng Rounin at Palimos ng Pag-ibig, wala na akong tulog. Ngayon lang ako bumabawi. May seminar pa kaming dinadaluhan sa Kids Foundation kaya sobra akong naging abala the past days," sey ng aktor.
May sariling condo si Lucky pero ang magandang regalong matatanggap nito ay ang tinitirhang bahay ni Mayor Vi at Sen. Ralph sa Green Meadows.
"Ang naipon kong pera mula sa kinikita ko sa showbiz ang siyang gagamitin ko sa pagpapa-renovate ng bahay. Pagagandahin ko ito. Sina Mommy naman ay nagpapagawa ng bahay sa Alabang. Solo akong mamumuhay dito at balang araw ay dito ko rin ititira ang magiging asawa ko. Nagpapasalamat ako sa kabutihan ng aking magulang sa akin," aniya.
Ang title track na "Argos" ay ginawa ng sikat na Bamboo at ito ang first venture ng banda para mag-record ng awitin para sa isang primetime television show.
Tinanong namin sa kanya si Kristine Hermosa?
"Tuloy pa rin ang panliligaw ko sa kanya. Katunayan, sabay pa nga kami kamakailan nang magtungo sa firing lesson. Kaya ako payat ay dahil nagkasabay ang taping ng Rounin at Palimos ng Pag-ibig, wala na akong tulog. Ngayon lang ako bumabawi. May seminar pa kaming dinadaluhan sa Kids Foundation kaya sobra akong naging abala the past days," sey ng aktor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended