^

PSN Showbiz

Isang ‘thank you’ lang ang sinabi ni Alex sa confrontation nila ni Rhian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Hindi naging maganda ang pagkikita nina Alessandra de Rossi at Rhian Ramos sa taping ng LUV Pow noong Sabado. Pinag-usap sila sa harap ng staff, pero hindi pa rin naayos ang lahat. Rhian did all the talking at nakinig lang si Alex at nag-"thank you" after marinig ang paliwanag ng dalagita at doon natapos ang kanilang confrontation.

Unless magkakasalubong sa GMA Network, ‘di muna magkikita sa taping ang dalawa dahil pansamantalang pinatigil ang taping ng show at sa September na magre-resume. Hindi na rin ang LUV Pow ang ipapalit sa Magic Kamison kundi ang The Boys Next Door at ‘di na back-to-back ang dalawang bagong shows.

Sana lang, wala itong kinalaman sa nangyari kina Alex at Rhian dahil unfair ito sa ibang cast na walang mga regular show. Also, kailangan na sigurong makialam ng management para ‘di na grumabe pa ang gulo at matigil ang pakikialam ng walang kinalaman sa isyu.
* * *
Nakitang magka-holding hands na lumalabas sa GMA Network last Saturday sina Jewel Mische at Aljur Abrenica at kasunod nila’y magka-holding hands din sina Rich Asuncion at Prince Stefan. Nang punahin ng press, wala lang daw ang pagho-holding hands ng dalawang pareha. As in, katuwaan lang?

Tanggi-to-death sina Jewel at Aljur na sila na at hirit pa ng huli, kung sila, sasamahan niya ang una sa pupuntahan nito. Mabuti na lang at ‘di nakita ni Paulo Avelino ang sweetness ng dalawa, sabagay, sila rin naman ni Jewel ang magkatambal sa next story ng Magic Kamison.

Ibinalita ni Rich na inalis na siya sa cast ng Impostora at ipinasok sa The Boys Next Door, pero, ‘di pa niya alam ang kanyang role. Si Prince ang wala pang regular show hanggang ngayon. Naaawa kami tuwing tinatanong namin at "wala pa" ang laging sagot.
* * *
Nai-celebrate rin ni Ryan Agoncillo kahit papaano ang 28th birthday last April 10 kahit may viral infection siya. Naka-mask ito nang puntahan ni Judy Ann Santos at mga kaibigan nila sa bahay sa Parañaque. Nagdala sila ng cake, pizza at pansit at konting kuwentuhan, pero ang party ay postponed hanggang siya’y gumaling.

One week siyang under observation, rason para twice ma-pack-up ang taping ng Ysabella. Kahapon ang first day shooting ng My Kuya’s Wedding and hopefully, nakapag-report ito.

"Babawi na lang ako sa friends ko and I will have a special gathering for them. I couldn’t ask for them. I only have to thank the Lord for a good life, a good family, and a pretty stable career," sabi nito.

Dagdag na trabaho kay Ryan ang bagong endorsements ng Adidas, Boardwalk at Fitrum at sabi pa ng manager nitong si Noel Ferrer, marami pang darating na trabaho.
* * *
Mapapanood bukas sa Nuts Entertainment ang first sa two-part special ng fourth anniversary ng show. Ginawa ito sa SM Mall of Asia at guest si Dina Bonnevie sa Balakubak portion. Kasama rin sina Marvin Agustin, Jewel Mische, Kris Bernal at Camille Prats.

Iwi-welcome rin si Alfred Vargas as the newest member ng cast at si Joyce Jimenez na guest for one month. Nag-enjoy ito sa taping dahil ‘di raw siya pinaglaruan nina Joey de Leon and company. Mas pinatindi ang paseksihan, kakulitan at kuwelang segments ng show.
* * *
Ang scary experience sa panganganak ang topic sa Moms ng QTV 11 this Tuesday entitled with guests Jaclyn Jose, Nikka Valencia, Carlyn Bayot Anne Paul Lyn, Dimples Romana, Gwen Garimond, Elijah at Cristia Padolina.

ALEX

BOYS NEXT DOOR

CENTER

JEWEL MISCHE

MAGIC KAMISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with