Anak ni Jean, magulo ang takbo ng utak
April 16, 2007 | 12:00am
First time na magsi-sitcom si Jean Garcia via Who’s Your Daddy Now? sa GMA-7. This time regular na siya unlike before na pa-guest-guest lang ang magandang aktres.
Si Jean ay si Stephanie sa said sitcom na may-ari ng Laundrymat na in-love kay Peter (Joey Marquez). Na-link na ang dalawa noon kaya tinanong namin ang aktres kung may posibilidad bang mamuong muli ang kanilang relasyon.
Ayon sa aktres, ayaw nitong magsalita nang patapos. Sa ngayon, loveless ang aktres at gusto munang bigyan nang higit na atensyon ang anak na si Jennica na mag-aartista na rin.
‘‘Pumayag na akong pumasok siya ng showbiz dahil graduate na naman siya ng haiskul. Hilig nito ang pag-aartista at bukod sa pag-arte ay marunong din siyang kumanta at tumugtog ng gitara. Natutuwa ako dahil mabait ang aking anak at di siya marunong gumimik. May gagawin itong teleserye at ang magma-manage sa kanya ay si Manny Valera.’’
Napakaganda ni Jennica at matangkad pa (5’7) kaya ayaw mag-heels. Mas mataas pa nga ito kaysa kanyang mommy.
Bakit di mo siya pasalihin sa Bb. Pilipinas next year? tanong namin.
‘‘Payag akong sumali siya pero paiba-iba ito nang gusto sa buhay. Noong kinse anyos siya gusto niyang pumasok sa military dahil sa kanyang CAT. Pero ngayon pag-aartista muna ang prioridad ni Jen,’’ sey pa ng aktres.
Kahit di nila kasama ang ama nitong si Jigo Garcia ay maganda naman ang kanilang samahan bilang mag-ama. Katunayan, every Sunday ay magkasama ang mag-amang nagsisimba.
MAY Malasakit sa movie industry
Sampung taon nang magkaibigan sina Loren Legarda at Mother Lily. Pangalawang ina ang turing niya sa prodyuser. Kapag may problema ito ay kay Mother Lily niya ibinabahagi ang sama ng loob.
Sa tagal ng pagiging malapit nina Loren at Mother Lily ay todo suporta ang ibinigay ng prodyuser nang tumakbo ito sa 1998 senatorial elections kung saan naging topnotcher si Loren gayundin nang tumakbo itong runningmate ng yumaong Fernando Poe Jr. bilang bise presidente noong 2004.
Bukod sa pagiging advocate ng education at environment ay malaki rin ang malasakit nito sa movie industry kung saan tutulong si Loren para maengganyong muli ang produser na gumawa ng maraming pelikula at maayos ang problema tungkol sa malaking buwis (54%) na ipinapataw sa mga prodyuser.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended