^

PSN Showbiz

Shooting ng Ouija, dinadasalan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Tapos na ang shooting ng Ouija nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal na co-production ng GMA Films at Viva Films. Dahil sa July 25 pa ang showing, mapapaganda pa ni direk Topel Lee ang psychological thriller. Kahit walang masyadong prosthetics at special effects, nakakatakot pa rin at pati ang bahay na ginamit sa Pililia ay nakakatakot din. Based ang story nito sa National Geographic at ni-research ni Annette Gozon Abrogar.

Nakita namin ang sample ng poster at una ang name ni Jolina at may "and" naman ang name sa huli ni Judy Ann, pero pareho ng laki at pati ang kanilang litrato. Pero, never magiging isyu sa kanila ang billing.

"Hindi importante ang billing, basta kasama ako sa movie," sabi ni Judy Ann at sinagot ni Jolina ng, "Wala rin akong alam kung sino ang dapat mauna, basta magkasama kami, ang saya-saya."

Magkakaroon ng international screening ang movie, pero magiging Séance ang title dahil ‘di puwedeng gamitin ang Ouija at brand name ito at baka may maghabol. First full length movie ito nina Judy Ann at Jolina at pareho silang nag-enjoy.

Considering na horror ito, tawanan sila nang tawanan, pero kumuha pa rin ng prayer warriors ang GMA Films na nagdadasal bago simulan ang shooting. Ginawa ito lalo na sa mga eksena sa Camiguin kung saan, kinunan ang 10 percent ng pelikula.
* * *
Nangyari ang kinatakutan ni Aliya Martel, kasama sa Rumbleboy na pagdi-deny ni Jay Justiniani ng Cueshe Band sa relasyon diumano nila. Sa text message sa isang reporter nang nagpakilalang vocalist ng banda, itinangging live in sila nito. Hindi raw niya kilala ang dalaga at once lang niyang nakita.

Nagpasubali pa si Jay (kung siya nga ‘yun) na nag-iilusyon at ginagamit lang siya at ang banda for publicity. Gusto naming marinig ang sagot ni Aliya rito at kung naniniwala siyang ang vocalist nga ang nag-text. One month pa lang sila, tapos na agad ang relasyon.

Happy pala si Aliya na mapasama sa hard action movie ng Apache Films dahil ‘di siya nag-bold, pero nagpa-sexy at lumebel kay Kyla Cole. Sa April 25 na ang showing nito sa direksyon ni Ronnie Ricketts. Next movie niya ang Schizoprenic under Toto Natividad.
* * *
Maaksyon ngayong Lunes ang Super Twins dahil muling makakaharap nina Super T at Super S at ni Metallad (Mura) para iligtas si Ester (Marian Rivera).

Magkikita ring muli sina Eliseo (Dennis Trillo) at Victoria (Rita Avila) at ang pinakahihintay ng lahat, ang pinakamadrama at nakakaantig ng puso na pagkikita ng mag-asawang Manuel (Ian de Leon) at Ester. Sa wakas, buo na uli ang pamilya nina Shan-shan at Tin-tin.
* * *
Humarap sa press ang Top 10 semi-finalists sa Ms. Ugly (No More) search ng Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Institute at Smart Communications. Ang Top 3 sa kanila ang imi-make over ng team ng plastic surgeons, dermatologists, dentists at bariatric doctors at ang mananalo sa kanila’y kokoronahan sa June 19.

Medyo disappointed ang press dahil ‘di masasabing pangit ang semi-finalists. Makukuha sa exercise, tamang pag-aayos at pananamit ang kanilang problema. Ipinaliwanag nina David at Jessica Bunevacz at Beverly Hills 6750 Director Dr. Eduardo Santos kung bakit sila ang napili, kaya hintayin na lang natin ang pagbabago nila.

Ang Top 10 semi-finalists ay sina: Jhoanne Sibug, 26, at gustong maging singer; Myla dela Paz, 29, single mom; Viva Cenon, 21, gusto ring mag-showbis; Jessielyn Lao, 20, student; Rica Dominguez Alivarvar, 21, married with one kid; Jeralyn Escoler, 27, wife and mother at gustong maging dancer; Ma. Luisa Ramos, 23, type maging dancer, pero ni-reject; Rosebelle Tindoc, 21, domestic helper; Abigail Calayag, 23, single mom at gustong mag-showbis; at Ma. Lourdes Victorioso, 31, married and professional singer.

vuukle comment

ABIGAIL CALAYAG

ALIYA MARTEL

ANG TOP

BEVERLY HILLS

JOLINA

JUDY ANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with