After a year Mark, tinanggap na ang Youth Achiever Award
April 16, 2007 | 12:00am
Gusto kong mag-comment sa pagkakasuspinde ni Lolit Solis sa Startalk dahil sa salitang binitawan nito (puwerta).
Alam n’yo ba ang salitang binanggit ay Español kaya hindi ganun ang impact sa atin? Ito ang dahilan kaya marami ang nag-react na kesyo mababaw naman daw yun para isuspinde si Lolit. Pero sa mga nakakaintindi, talagang pangit itong pakinggan.
Kaya sa mga bagong host lalo na sa mga kabataan, isipin n’yo muna ang ibabato ninyong salita bago sabihin sa ere.
Sa wakas tinanggap na ni Mark Herras ang kanyang parangal bilang Youth Achiever na ipinagkakaloob ko sa mga deserving na kabataang artista sa pamamagitan ng FAMAS noon pang isang taon.
Nagtampo ako kay Mark noon dahil inisnab niya ang award para sa kanya. Kaya tuwing nakakasalubong ko siya sa GMA compound, panay ang sorry nito.
Hindi ko masisisi si Mark dahil sobrang busy ito sa kanyang trabaho at ngayon ay tinatanggap ko ang paghingi niya ng paumanhin.
Natutuwa si Sheryl Cruz dahil hindi siya nababakante sa trabaho. Ngayon nga, mas lalo pang nakikita ang kanyang galing sa pag-arte. Napapanood natin siya na nalilinya sa drama ngayon sa mga teleserye ng GMA.
At kung yung ibang artista ay walang pinagkakaabalahan, aba ang iba naman ay abala sa maraming trabaho.
Bagama’t dalawang istasyon lang ang naglalaban, sa dami naman ng mga bagong nagsusulputan, mabilis ding magpalit ng mga artista. Akala kasi ng mga bagong artista eh isang laro lang ang pinapasok nila. Nandyang naiinip sila sa kanilang career at wala namang ginagawa para i-improve ang kani-kanilang craft. Eh kung hindi ka marunong umarte, saan ka nga ba pupulutin, eh di sa kangkungan nga.
Kaya tularan n’yo si Sheryl na sa paglipas ng panahon ay mas gumaling bilang aktres.
Dati, hindi mo mapaghihiwalay sina Lovi at Cogie Domingo. Asahan mo kung nasaan ang isa, kabuntot na nito ang isa sa kanila na talaga namang nakakatuwang pagmasdan.
Pero bakit biglang nawala sa eksena si Cogie at tumakbo sa Amerika? Mukhang nakakaamoy kami ng tampuhan sa pagitan ng dalawa. Sino ba talaga ang dahilan ng kanilang biglang lovers quarrel?
Tuloy maraming nakakapansin na biglang malungkot ang mga mata ng naiwang dalaga?
Alam n’yo ba ang salitang binanggit ay Español kaya hindi ganun ang impact sa atin? Ito ang dahilan kaya marami ang nag-react na kesyo mababaw naman daw yun para isuspinde si Lolit. Pero sa mga nakakaintindi, talagang pangit itong pakinggan.
Kaya sa mga bagong host lalo na sa mga kabataan, isipin n’yo muna ang ibabato ninyong salita bago sabihin sa ere.
Nagtampo ako kay Mark noon dahil inisnab niya ang award para sa kanya. Kaya tuwing nakakasalubong ko siya sa GMA compound, panay ang sorry nito.
Hindi ko masisisi si Mark dahil sobrang busy ito sa kanyang trabaho at ngayon ay tinatanggap ko ang paghingi niya ng paumanhin.
At kung yung ibang artista ay walang pinagkakaabalahan, aba ang iba naman ay abala sa maraming trabaho.
Bagama’t dalawang istasyon lang ang naglalaban, sa dami naman ng mga bagong nagsusulputan, mabilis ding magpalit ng mga artista. Akala kasi ng mga bagong artista eh isang laro lang ang pinapasok nila. Nandyang naiinip sila sa kanilang career at wala namang ginagawa para i-improve ang kani-kanilang craft. Eh kung hindi ka marunong umarte, saan ka nga ba pupulutin, eh di sa kangkungan nga.
Kaya tularan n’yo si Sheryl na sa paglipas ng panahon ay mas gumaling bilang aktres.
Pero bakit biglang nawala sa eksena si Cogie at tumakbo sa Amerika? Mukhang nakakaamoy kami ng tampuhan sa pagitan ng dalawa. Sino ba talaga ang dahilan ng kanilang biglang lovers quarrel?
Tuloy maraming nakakapansin na biglang malungkot ang mga mata ng naiwang dalaga?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended