Nicole, 5 beses inindyan ni Mark!
April 15, 2007 | 12:00am
Natatawa na lamang si Nicole Andersson kapag inili-link sila ni Mark Herras na kasama niya ngayon sa fantasy series na Fantastic Man.
"Paano naman kami magkakaro’n ng relasyon o kahit magkaro’n man lang ng MU eh, limang ulit niya akong di sinipot sa aming date, inindyan ako! Buti na lang, di ako nag-iisa kapag lumalabas kami. Minsan kasama ko si Chynna Ortaleza, ito nga ang tinawagan ni Mark para magsabing di siya makakarating.
"Talagang di kami pwede ni Mark, di kami compatible, marami kaming differences, magkaiba ang pananaw namin sa maraming bagay. Tama na lang kung friends kami," sabi ng isa sa apat na Kapuso stars na nagpapahiram ng boses sa anime hit ng GMA, ang Bleach. Ang tatlo pa ay sina Rainier Castillo, Marky Cielo at Yasmien Kurdi.
Dalawa ang birthday wishes ni senatoriable Miguel Zubiri sa kanyang 38th birthday. Una, ay piliing mabuti ng mga botante kung sino sa mga kandidato ang talagang nagtatrabaho at yun ang iboto nila. Ikalawa, magka-baby na sana sila ng wife niyang si Audrey Tan Zubiri.
"Pinaka-effective na birth control yung pagtakbo sa pulitika. Pagdating ko ng bahay, talagang pagod na pagod na ako, tulog agad ako. Pagkatapos na pagkatapos ng elections, talagang pangangatawanan ko na ang pagkakaro’n ng anak," pangako ng mabait at masipag na Kongresista na nagdaos ng kanyang kaarawan kapiling ang mga senior citizens ng Golden Acres kasama ang mga artistang sina John & Camille Prats, Iya Villania, Say Alonzo, Bianca King, James Blanco at Joy Viado. Sa mga hindi nakakaalam, nagtayo ng mga Senior Citizens Centre si Migz sa lahat ng barangay na kanyang nasasakupan.
Nagbago pala ng petsa ng book launching ang kapatid sa hanapbuhay na si Boy Villasanta. Tuloy na ito sa Abril 19, 4-6NH, sa lobby ng Cinema 8, Robinson’s Galleria, Ortigas sa pakikipagtulungan ng UST Publishing at Independent Filmmakers Coop.
Pinamagatang Expose: Peryodismong Pampelikula sa Pilipinas (Movie Reporting in the Philippines) ito ay naglalaman ng unpublished encounters niya sa mga artista, produ, direktor, TV host at iba pang mamamayan sa local showbiz.
Dalawa pang kapatid sa hanapbuhay ang sumuporta kay G. Villasanta. si Atty. Billy Balbastro na siyang sumulat ng introduction at si Ronald Constantino na siya namang sumulat ng foreword.
I’m sure, lahat tayo ay magiging interesado sa isyu na tatalakayin ngayong gabi sa Philippine Agenda ng GMA, ang pabahay.
Si Mel Tiangco at ang grupo ng PA ay papasok sa mga tahanan ng mga nakatira sa ilalim ng tulay, gilid ng riles at isla ng kalsada. Galing sila ng probinsya na nakipagsapalaran sa Maynila kahit walang siguradong matutuluyan. Ang resulta, milyun-milyong mga squatter sa Kamaynilaan.
May solusyon ang gobyerno rito, housing projects at relokasyon pero, di lahat ay nabibiyaan nito. Yung nagkakaro’n ng tirahan, tulad ng mga taga-Cabuyao, nagrereklamo na wala silang tubig, kuryente at katabi sila ng dumpsite, pinaka-importante, malayo ang lugar sa kanilang kabuhayan. Ang ginagawa naman ng marami kundi ibinibenta ang nakuhang lupa ay pinauupahan naman ang bahay.
Ano kaya ang pang-matagalang plano ng gobyerno rito? Alamin ngayong 7:30NG.
Marami ang nagkakamali kina Cong. Chiz Escudero at ngayo’y tumatakbong senador ng bansa at sa rock star na si Bamboo. Sa halip na magalit o mailang, mas natatawa na lamang ang batang senatoriable na baka mag-expect ang tao na anytime ay babanat na lamang siya ng kanta.
Sayang at dahilan sa kontrata ni Bamboo ay hindi kailanman sila pwedeng makitang magkasama sa stage.
Hindi lang sa mukha nagkakahawig ang dala wa kundi maging sa ilang bagay sa kanilang buhay.
Tulad ng kanilang pangalan. Francis si Chiz at Francisco naman si Bamboo, siya si Francisco Manalac na buhat sa isang politically influential family in the south.
Pareho rin silang nangunguna sa trabaho na kanilang ginagawa, si Chiz bilang isang ipinagkakapuring kinatawan ng Bicol sa Kongreso at si Bamboo bilang myembro ng isang kinikilala at pangunahing banda sa bansa.
[email protected]
"Paano naman kami magkakaro’n ng relasyon o kahit magkaro’n man lang ng MU eh, limang ulit niya akong di sinipot sa aming date, inindyan ako! Buti na lang, di ako nag-iisa kapag lumalabas kami. Minsan kasama ko si Chynna Ortaleza, ito nga ang tinawagan ni Mark para magsabing di siya makakarating.
"Talagang di kami pwede ni Mark, di kami compatible, marami kaming differences, magkaiba ang pananaw namin sa maraming bagay. Tama na lang kung friends kami," sabi ng isa sa apat na Kapuso stars na nagpapahiram ng boses sa anime hit ng GMA, ang Bleach. Ang tatlo pa ay sina Rainier Castillo, Marky Cielo at Yasmien Kurdi.
"Pinaka-effective na birth control yung pagtakbo sa pulitika. Pagdating ko ng bahay, talagang pagod na pagod na ako, tulog agad ako. Pagkatapos na pagkatapos ng elections, talagang pangangatawanan ko na ang pagkakaro’n ng anak," pangako ng mabait at masipag na Kongresista na nagdaos ng kanyang kaarawan kapiling ang mga senior citizens ng Golden Acres kasama ang mga artistang sina John & Camille Prats, Iya Villania, Say Alonzo, Bianca King, James Blanco at Joy Viado. Sa mga hindi nakakaalam, nagtayo ng mga Senior Citizens Centre si Migz sa lahat ng barangay na kanyang nasasakupan.
Pinamagatang Expose: Peryodismong Pampelikula sa Pilipinas (Movie Reporting in the Philippines) ito ay naglalaman ng unpublished encounters niya sa mga artista, produ, direktor, TV host at iba pang mamamayan sa local showbiz.
Dalawa pang kapatid sa hanapbuhay ang sumuporta kay G. Villasanta. si Atty. Billy Balbastro na siyang sumulat ng introduction at si Ronald Constantino na siya namang sumulat ng foreword.
Si Mel Tiangco at ang grupo ng PA ay papasok sa mga tahanan ng mga nakatira sa ilalim ng tulay, gilid ng riles at isla ng kalsada. Galing sila ng probinsya na nakipagsapalaran sa Maynila kahit walang siguradong matutuluyan. Ang resulta, milyun-milyong mga squatter sa Kamaynilaan.
May solusyon ang gobyerno rito, housing projects at relokasyon pero, di lahat ay nabibiyaan nito. Yung nagkakaro’n ng tirahan, tulad ng mga taga-Cabuyao, nagrereklamo na wala silang tubig, kuryente at katabi sila ng dumpsite, pinaka-importante, malayo ang lugar sa kanilang kabuhayan. Ang ginagawa naman ng marami kundi ibinibenta ang nakuhang lupa ay pinauupahan naman ang bahay.
Ano kaya ang pang-matagalang plano ng gobyerno rito? Alamin ngayong 7:30NG.
Sayang at dahilan sa kontrata ni Bamboo ay hindi kailanman sila pwedeng makitang magkasama sa stage.
Hindi lang sa mukha nagkakahawig ang dala wa kundi maging sa ilang bagay sa kanilang buhay.
Tulad ng kanilang pangalan. Francis si Chiz at Francisco naman si Bamboo, siya si Francisco Manalac na buhat sa isang politically influential family in the south.
Pareho rin silang nangunguna sa trabaho na kanilang ginagawa, si Chiz bilang isang ipinagkakapuring kinatawan ng Bicol sa Kongreso at si Bamboo bilang myembro ng isang kinikilala at pangunahing banda sa bansa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended