^

PSN Showbiz

Pabalikin ang ‘bakya crowd’

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Isang Viva Films insider ang nakausap ko at tiniyak na outright sale ang ginawang transaction ni Pablo S. Gomez sa kanila, tungkol sa rights ng Hiram na Mukha.

Buti’t binigyan pa ng konsiderasyon si Pablo ng Viva, kahit lahat na ng karapatan tungkol sa Hiram na Mukha ay ibinenta na niya sa nasabing kompanya, nagmagandang loob pa ang Viva na bigyan siya ng P50,000.

Taos-pusong nagpapasalamat naman ang beteranong nobelista/scriptwriter sa Viva sa malaking tulong na handog sa kanya ng Viva.

Ang hinahabol naman ngayon ni Pablo ay ang walang pahintulot na paggamit ng Machete 2 character sa natapos na Super Inggo. Noon kasing nagkaroon ng Machete ang Seiko, nagbayad uli sa kanya ang producer na si Robbie Tan.

Ngayon naman napagamit ni Robbie ang Machete bilang isang character sa Super Inggo, wala itong pahintulot mula sa sumulat.

Maraming mga dahilan ang laging binabanggit tungkol sa paghihingalo ng Pinoy movie industry. Nandyan ang sobrang laki ng mga buwis, ang mga pirata, ang pagsulong ng telekomunikasyon through cell-phones at ang paglakas ng TV industry.

Ang hindi napapansin ng mga taga-industriya ay ang pagkawala ng malakas na "bakya crowd" bilang pangunahing tagatangkilik ng pelikulang Pinoy.

Ang bakya crowd ay lubos na kinilala noong panahong kalakasan ng pelikulang sariling atin. Sila kasi ang palaging sumusugod sa mga sinehan, kapag may magagandang pelikulang gustong panoorin. Dahil sa kanila (kasama kami dito, syempre, at proud akong maging isa sa kanila), nagkaroon ng mga tunay na box-office hits. Sila rin ang lumikha sa mga superstar, megastar, star of all season, at marami pang malalaking bituin ng sineng Pinoy.

Nasaan na nga kaya sila ngayon at tila nagsawa nang manood sa mga sinehan?

Hindi dahil sa wala ng magagandang pelikula ngayon. Isang pangunahing dahilan ang mahal na ng presyo ng isang movie ticket. Dati sa P100, apat, naging dalawa na lang ang nakakapanood ng pelikula sa mga air-conditioned theaters.

Ngayon, kung minsan kulang pa ang P100 para makabili ng ticket sa sinehan! Sobrang mahal talaga at bihira na sa mga bakya crowd ang nakaka-afford.

Kaya sa halip na manood ng sine, bili na lang sila ng load na pwedeng P15 lang. O kaya bibili sila ng pirated copies ng mga pelikula na sa P25 bawat isa, marami na ang makakapanood.

Dapat mag-isip ng paraan ang mga leading producers at manggagawa sa pelikula, kung paano maibabalik ang bakya crowd sa mga sinehan. Sila lamang talaga ang muling magpapasigla sa film industry. Sila rin ang makakalikha ng mga bagong movie stars sa kasalukuyang panahon. Sila pa rin ang makakapagbukas muli ng mga bagong movie companies.

Isang remedyong naisip namin ay ang pagbabalik ng murang presyo ng movie ticket. Maari rin naman magkaroon ng mga specially priced ticket kung dalawa, tatlo o isang grupo ang manonood ng isang pelikula. Sigurado namang babalik ang bakya crowd kung kaya na nilalang bumili ng mga movie ticket.

HIRAM

ISANG

ISANG VIVA FILMS

MUKHA

PINOY

SILA

SUPER INGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with