Maipanalo kaya si Richard ng kanyang advocacy kahit wala siyang pera?
April 13, 2007 | 12:00am
Ibang-iba na ang Richard Gomez na humarap sa entertainment media nung Miyerkules ng gabi, sa kagandahang loob ni Mother Lily ng Regal. Isa lamang si Richard sa mga senatoriables na gustong mailuklok ng namumuno ng Regal dahil naniniwala ito sa mga kakayahan nila (Loren Legarda, Tito Sotto, Miguel Zubiri at Chiz Escudero).
Kung dati rati ay madaling mag-init ang ulo ng magaling na aktor at mapikon sa mga tanong ng mga movie reporters, isang mature na lalaki ang nakita ko, mahinahon sumagot at alam ang kanyang mga sinasabi ang humingi ng suporta sa press para sa kanyang kandidatura para sa senado. Kasama niya ang kanyang maybahay na si Lucy Torres na hindi nagsalita maliban sa paghingi ng suporta ng press sa unahan at dulo ng press launch ng kanyang kabiyak na hindi man niya 100% na sinang-ayunan ang paglahok sa pulitika pero bilang isang mabuting asawa ay kailangan niyang tulungan.
Nun pa mang unang tumakbo si Richard bilang kasapi ng MAD (Mamamayan Ayaw sa Droga) ay talagang ibinoto na siya. Nanalo ang kanyang partido pero natalo lamang ito sa technicality dahil sinabing suportado ng gobyerno na sa kalaunan ay napatunayan namang hindi.
Sa kanyang pagtakbo sa senado, paglaban sa droga pa rin ang pangunahing advocacy ng aktor, plus ang kanyang pagnanais na makatulong sa sports na 15 taon na siyang kabilang bilang isang atleta. Ito at ang pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng cottage industry ang pagtutuunan niya ng pansin kapag pinalad siya na iniaasa nilang mag-asawa sa Diyos dahil wala silang malaking pera na magagastos sa kampanya maliban sa tulong ng mga kapatid niya sa hanapbuhay, mga artista, direktor, prodyuser at press.
Pati ang pagtulong sa kanya ni Robin Padilla ay isang malaking plus factor kay Goma dahil matatandaan na nagkaroon silang dalawa ng isang malaking hidwaan nun na nauwi sa pisikal na pag-aaway pero, hindi nangimi si Goma na hingan ito ng tulong para samahan siya sa kanyang TV advertisement ng libre.
Hindi ako gaanong magaling humusga sa katauhan ng tao pero na-feel ko na kay Richard, may maasahan ang mga mamamayan. Isang lalaking nagpursige para umunlad ang buhay, isang self-made man, isang may talentong lalaki, may pera man pero di maaring waldasin dahil inilalaan niya ito sa kanyang pamilya, may prinsipyo at alam mong magtatrabaho. Di ba natin siya iboboto?
Nangangailangan ang Club Mwah ng mga lalaking dancers na may edad 18-25, may taas na 5’51/2", may itsura, may magandang personalidad at may background sa jazz at ballet. Magsadya lamang sa Club Mwah, 3/F The Venue Tower, 652 Boni Ave., Mandaluyong City, 1-6 PM, simula sa araw na ito.
>Gusto n’yong maging star ng inyong sariling digi film at umarte kasama ang mga sikat na artista?
Magbibigay ng Basic Acting Workshop for Film & TV ang Creative Futures, isang events management outfit, mula Abril hanggang Hunyo 2007.
Bukas ito sa mga bata, teens at maging adults at papatnubayan ng mga sikat na direktor na tulad nina Peque Gallaga, Soxie Topacio at Rahyan Carlos at aktor na tulad nila Bodjie Pascua at Vangie Labalan.
Ang Basic Acting Workshop for teens and adults will be held every Sat, 2-6 PM, at ang children’s workshop ay gaganapin tuwing Sabado, 10NU-12NT.
Workshop fee is P12,000 for kids (14 sessions) at P14,000 for teens/adults (17 sessions)
Walang kinakailangang acting experience. Registration dates are April 11, 12 at 13, 1-6PM, Creative Futures, 2/F. Crossroad 77, Mother Ignacia cr. Sct. Reyes Sts., QC. Maaaring tumawag sa 3744822/ (0920) 5880644/ (0922) 8987724.
[email protected]
Kung dati rati ay madaling mag-init ang ulo ng magaling na aktor at mapikon sa mga tanong ng mga movie reporters, isang mature na lalaki ang nakita ko, mahinahon sumagot at alam ang kanyang mga sinasabi ang humingi ng suporta sa press para sa kanyang kandidatura para sa senado. Kasama niya ang kanyang maybahay na si Lucy Torres na hindi nagsalita maliban sa paghingi ng suporta ng press sa unahan at dulo ng press launch ng kanyang kabiyak na hindi man niya 100% na sinang-ayunan ang paglahok sa pulitika pero bilang isang mabuting asawa ay kailangan niyang tulungan.
Nun pa mang unang tumakbo si Richard bilang kasapi ng MAD (Mamamayan Ayaw sa Droga) ay talagang ibinoto na siya. Nanalo ang kanyang partido pero natalo lamang ito sa technicality dahil sinabing suportado ng gobyerno na sa kalaunan ay napatunayan namang hindi.
Sa kanyang pagtakbo sa senado, paglaban sa droga pa rin ang pangunahing advocacy ng aktor, plus ang kanyang pagnanais na makatulong sa sports na 15 taon na siyang kabilang bilang isang atleta. Ito at ang pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng cottage industry ang pagtutuunan niya ng pansin kapag pinalad siya na iniaasa nilang mag-asawa sa Diyos dahil wala silang malaking pera na magagastos sa kampanya maliban sa tulong ng mga kapatid niya sa hanapbuhay, mga artista, direktor, prodyuser at press.
Pati ang pagtulong sa kanya ni Robin Padilla ay isang malaking plus factor kay Goma dahil matatandaan na nagkaroon silang dalawa ng isang malaking hidwaan nun na nauwi sa pisikal na pag-aaway pero, hindi nangimi si Goma na hingan ito ng tulong para samahan siya sa kanyang TV advertisement ng libre.
Hindi ako gaanong magaling humusga sa katauhan ng tao pero na-feel ko na kay Richard, may maasahan ang mga mamamayan. Isang lalaking nagpursige para umunlad ang buhay, isang self-made man, isang may talentong lalaki, may pera man pero di maaring waldasin dahil inilalaan niya ito sa kanyang pamilya, may prinsipyo at alam mong magtatrabaho. Di ba natin siya iboboto?
Magbibigay ng Basic Acting Workshop for Film & TV ang Creative Futures, isang events management outfit, mula Abril hanggang Hunyo 2007.
Bukas ito sa mga bata, teens at maging adults at papatnubayan ng mga sikat na direktor na tulad nina Peque Gallaga, Soxie Topacio at Rahyan Carlos at aktor na tulad nila Bodjie Pascua at Vangie Labalan.
Ang Basic Acting Workshop for teens and adults will be held every Sat, 2-6 PM, at ang children’s workshop ay gaganapin tuwing Sabado, 10NU-12NT.
Workshop fee is P12,000 for kids (14 sessions) at P14,000 for teens/adults (17 sessions)
Walang kinakailangang acting experience. Registration dates are April 11, 12 at 13, 1-6PM, Creative Futures, 2/F. Crossroad 77, Mother Ignacia cr. Sct. Reyes Sts., QC. Maaaring tumawag sa 3744822/ (0920) 5880644/ (0922) 8987724.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended