Angel, magbi-birthday kasama ang Gabriela
April 11, 2007 | 12:00am
Sa April 23 ay kaarawan ni Angel Locsin kung saan 22 years old na ito. Tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan, gusto niyang maging makabuluhan ito. Noong mga nakaraang taon, lagi siyang nagtutungo sa iskwelahan ng mga bulag para dun ay bigyan sila ng kasiyahan sa pamamagitan ng gift-giving.
This time, gusto niyang makapiling ang mga taga-Gabriela na isang samahan na kumikilala sa karapatan ng mga kabataan. Katunayan, may advocacy si Angel tungkol sa mga kababaihan lalo na yung mga naaapi, gayundin ang mga kabataan at mga bata. Gustong maipagpatuloy ng aktres ang adhikain na makatulong sa Gabriela na magiging tinig ng mga kabataan sa darating na eleksyon sa pamamagitan ng Kabataang Party List.
Nakakwentuhan namin si Eunice Lagusad na sumikat sa batang Charming sa Bakekang at ngayon ay abala na sa mga proyekto ng GMA 7 gaya ng Ay! Robot sa QTV at mga TV guesting.
May pelikula pa rin ito titled Angel of Mine isang episode sa trilogy na Angels kung saan gagampanan ang papel ng anak ng yaya ni Angel Locsin na mamamatay dahil sa isang aksidente.
Noong huli ko siyang makausap ay sinabi nito na nag-iipon sila ng pera ng kanyang mommy dahil gusto nilang makabili ng sasakyan kahit second hand lang. Pero hanggang ngayon, di pa rin sapat ang pambili nila kahit kotse kaya nagdidyip pa rin sila pag nagpupunta ng taping o syuting. Pag maraming dalang damit o gamit ang bata ay saka lang sila nagta-taxi. Nakalipat naman sila ng apartment at inuupahan ito sa may Tandang Sora at paminsan-minsan na lang kung umuwi sa kanilang dating bahay sa Tondo. Kapag nakaipon na ay uunahin nilang bumili ng sasakyan.
Walong taong gulang na si Eunice at kasalukuyang nag-aaral sa Immaculate Concepcion kung saan Grade II na ito. Nag-a-absent siya sa klase kapag may taping o syuting at naiintindihan naman siya ng kanyang titser.
"Sino ang paborito mong aktres?" tanong namin.
"Gusto ko po si Tita Jean Garcia kasi bukod sa maganda ay mabait pa siya. Magaling din po siyang umarte at pag-umiiyak ay nanginginig siya. Gusto ko siyang gayahin paglaki ko dahil gusto kong magka-award balang araw," sey nito.
Bukod sa pagiging mabait ang role, gusto rin ni Eunice na maging kontrabida para ipakita na magaling siyang umarte kahit anong papel ang gampanan nito.
Personal choice pala ni Angel Locsin na kuning isa sa director ng Angels si Dingdong Dantes. Isa kasi sa prodyuser ng pelikula ang aktres.
"Nagagalingan kasi ako sa kanya kaya siya ang nagdi-direct ng Daddy’s Angel. Fresh ang kanyang ideas at nakita ko ang kahusayan nito bilang director noon sa Kakabakaba. Kaya naisip namin ni Tita Becky Aguila na kunin siya at maganda naman ang working relationship nito sa kanyang mga artistang sina Marvin Agustin, Nash Aguas at Valerie Concepcion," anang aktres.
This time, gusto niyang makapiling ang mga taga-Gabriela na isang samahan na kumikilala sa karapatan ng mga kabataan. Katunayan, may advocacy si Angel tungkol sa mga kababaihan lalo na yung mga naaapi, gayundin ang mga kabataan at mga bata. Gustong maipagpatuloy ng aktres ang adhikain na makatulong sa Gabriela na magiging tinig ng mga kabataan sa darating na eleksyon sa pamamagitan ng Kabataang Party List.
May pelikula pa rin ito titled Angel of Mine isang episode sa trilogy na Angels kung saan gagampanan ang papel ng anak ng yaya ni Angel Locsin na mamamatay dahil sa isang aksidente.
Noong huli ko siyang makausap ay sinabi nito na nag-iipon sila ng pera ng kanyang mommy dahil gusto nilang makabili ng sasakyan kahit second hand lang. Pero hanggang ngayon, di pa rin sapat ang pambili nila kahit kotse kaya nagdidyip pa rin sila pag nagpupunta ng taping o syuting. Pag maraming dalang damit o gamit ang bata ay saka lang sila nagta-taxi. Nakalipat naman sila ng apartment at inuupahan ito sa may Tandang Sora at paminsan-minsan na lang kung umuwi sa kanilang dating bahay sa Tondo. Kapag nakaipon na ay uunahin nilang bumili ng sasakyan.
Walong taong gulang na si Eunice at kasalukuyang nag-aaral sa Immaculate Concepcion kung saan Grade II na ito. Nag-a-absent siya sa klase kapag may taping o syuting at naiintindihan naman siya ng kanyang titser.
"Sino ang paborito mong aktres?" tanong namin.
"Gusto ko po si Tita Jean Garcia kasi bukod sa maganda ay mabait pa siya. Magaling din po siyang umarte at pag-umiiyak ay nanginginig siya. Gusto ko siyang gayahin paglaki ko dahil gusto kong magka-award balang araw," sey nito.
Bukod sa pagiging mabait ang role, gusto rin ni Eunice na maging kontrabida para ipakita na magaling siyang umarte kahit anong papel ang gampanan nito.
"Nagagalingan kasi ako sa kanya kaya siya ang nagdi-direct ng Daddy’s Angel. Fresh ang kanyang ideas at nakita ko ang kahusayan nito bilang director noon sa Kakabakaba. Kaya naisip namin ni Tita Becky Aguila na kunin siya at maganda naman ang working relationship nito sa kanyang mga artistang sina Marvin Agustin, Nash Aguas at Valerie Concepcion," anang aktres.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended