Sam steals Bea from John Lloyd!
April 11, 2007 | 12:00am
Pagkalipas ng isang taon, nagbabalik-TV series si Beth Tamayo sa telefantasyang Fantastic Man ng GMA-7. Walang pakialam si Beth sa intrigang bakit siya pumayag na nanay ni Fantastic Man na si Mark Herras ang role na gagampanan niya. Inamin ni Beth Tamayo na nami-miss na rin niya ang pag-arte dahil last year pa ang huli niyang TV series, ang Ganti episode ng Now and Forever with Sheryl Cruz and Nadine Samonte.
Para hindi mainip na walang ginagawa, nag-aral siya ng Culinary Arts kasabay ng kaibigang si Judy Ann Santos at pagkatapos ay nagtayo na siya ng sariling restaurant, ang Fishbowl sa Esquinita, pero hindi pa rin niya makalimutan ang showbiz.
Three years na silang kasal ng businessman husband niyang si Johnny at wala pa rin silang anak, kaya baka raw mag-subject na siya sa artificial insemination. Madalas daw naman silang dinadalaw ng dalawang anak ni Johnny sa previous marriage nito, aged 10 and 8, na naka-based sa Hongkong.
Sa Sabado na, April 14, ang pilot telecast ng Fantastic Man sa GMA-7.
Umalis last Holy Wednesday si Sam Milby, with Piolo Pascual, Rica Peralejo and Pokwang for a series of US shows. More than meeting their fans there, mas excited si Sam dahil ngayon lamang pala niya muling makikita ang family niya dahil kahit noong holiday season, hindi siya nagkaroon ng chance na makauwi sa kanila sa Ohio, para madalaw ang family niya. Last silang nagkita-kita ay noong mag-show din sila sa States last year at pinuntahan siya ng parents niya and her only sister sa Los Angeles at nanood ng concert nina Piolo at Rica.
At least, sa pag-alis ni Sam, naayos na rin ang paghingi ng sorry sa kanya ng PDA scholar na si JayR Siaboc, dahil sa hikaw na ibinigay ni Sam kay JayR ay naintriga pa sila. Alam daw ni Sam na nagbibiro lamang si JayR dahil unang pagkakilala pa lamang niya rito, dahil magkakasama sila sa ASAP ‘07, alam niyang ‘He’s a nice guy.’
Sa pagbalik naman ni Sam sa bansa, after ng successful box office returns ng You Got Me nila ni Toni Gonzaga, ang malamang simulan niya ay ang shooting ng first movie nila together ni Bea Alonzo sa Star Cinema. Malapit na rin kasing magtapos ang teleseryeng Maging Sino Ka Man nila nina Bea, John Lloyd Cruz at Anne Curtis sa ABS-CBN.
Tinupad ni Jennylyn Mercado ang sinabi niya noon sa S-Files na kapag nagkita sila ni Alessandra de Rossi sa taping ng Super Twins, siya ang unang babati at magwi-welcome dito. Kuwento sa amin, nangyari ito sa taping nila noong Holy Tuesday na natiyempuhang ang kasama sa eksena sa Wildlife Park ay ang ST na sina Jennylyn at Nadine Samonte, dahil supposedly, galing sa misyon ang kambal at tinawagan sila dahil sa nangyari kay Donya Besta (Tetchie Agbayani) at hindi na sila nakapagpalit ng katauhan.
Umaga pa lamang nagti-taping na si Jen at 3:00 p.m. naman ang call-time ni Alessandra. Nagpapahinga si Jen nang dumating si Alex at nang malaman ito ni Jen, tumayo siya at sinalubong niya si Alex. Nag-beso-beso sila at natapos na ang matagal nang hindi nila pagkikibuan. Hindi man daw nakapag-usap ng matagal sina Jen at Alex, iyon ay dahil seryoso ang mga eksenang kinunan pagkatapos.
Para hindi mainip na walang ginagawa, nag-aral siya ng Culinary Arts kasabay ng kaibigang si Judy Ann Santos at pagkatapos ay nagtayo na siya ng sariling restaurant, ang Fishbowl sa Esquinita, pero hindi pa rin niya makalimutan ang showbiz.
Three years na silang kasal ng businessman husband niyang si Johnny at wala pa rin silang anak, kaya baka raw mag-subject na siya sa artificial insemination. Madalas daw naman silang dinadalaw ng dalawang anak ni Johnny sa previous marriage nito, aged 10 and 8, na naka-based sa Hongkong.
Sa Sabado na, April 14, ang pilot telecast ng Fantastic Man sa GMA-7.
At least, sa pag-alis ni Sam, naayos na rin ang paghingi ng sorry sa kanya ng PDA scholar na si JayR Siaboc, dahil sa hikaw na ibinigay ni Sam kay JayR ay naintriga pa sila. Alam daw ni Sam na nagbibiro lamang si JayR dahil unang pagkakilala pa lamang niya rito, dahil magkakasama sila sa ASAP ‘07, alam niyang ‘He’s a nice guy.’
Sa pagbalik naman ni Sam sa bansa, after ng successful box office returns ng You Got Me nila ni Toni Gonzaga, ang malamang simulan niya ay ang shooting ng first movie nila together ni Bea Alonzo sa Star Cinema. Malapit na rin kasing magtapos ang teleseryeng Maging Sino Ka Man nila nina Bea, John Lloyd Cruz at Anne Curtis sa ABS-CBN.
Umaga pa lamang nagti-taping na si Jen at 3:00 p.m. naman ang call-time ni Alessandra. Nagpapahinga si Jen nang dumating si Alex at nang malaman ito ni Jen, tumayo siya at sinalubong niya si Alex. Nag-beso-beso sila at natapos na ang matagal nang hindi nila pagkikibuan. Hindi man daw nakapag-usap ng matagal sina Jen at Alex, iyon ay dahil seryoso ang mga eksenang kinunan pagkatapos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am