After 3 failed relationships, parang ngayon lamang nagdadalaga si Aiza Marquez
April 11, 2007 | 12:00am
Kung tutuusin, twenty four years old na si Aiza Marquez. Hindi na siya bata, katunayan nakakatatlo na siya ng boyfriend na unfortunately ay pawang nauwi sa hiwalayan. Wala namang regrets na pumasok siya sa mga nasabing relasyon, natuto naman daw siya at wala siyang pinagsisisihan. Wala siyang lovelife ngayon pero, hindi naman siya malungkot.
Hindi man marami ang assignments, may mga dumarating din. Tulad ng Angels ng Eagle Eye Productions na kung saan ay kasama siya sa Angel of Mine episode topbilled by Angel Locsin. Magkaibigan ang role nila ni Angel. May gusto siya sa isang kaibigan nila (Ketchup Eusebio) na ang gusto naman ay si Angel.
Ano ang ginagawa niya habang naghihintay ng assignments?
"Ayun, papunta -punta sa mga probinsya, maraming raket ngayon dahil bakasyon, maraming fiesta."
Sa buwan ng Hunyo, marami siyang gugulatin kapag lumabas ang kanyang sexy cover sa isang men’s mag.
"Mukha akong bata, maraming ayaw maniwala na 24 na ako. I have to make a move para malaman ng lahat na mature na ako, pwede nang sumabak sa mga mature roles at mag-desisyon para sa aking sarili. Wala naman akong ginawang kakaiba, nagsuot lang ako ng two piece bathing suit, yun lang," sabi niya.
Sa tatlong nakarelasyon niya, tanging kay Danilo (Barrios) lamang siya nag-maintain ng friendship.
"Pinakamatagal ang naging relasyon namin, mga four to five years. Bitter ako when we broke up, isinumpa ko pa nga siya. But after a while, mga more than a year, nawala rin ang bitterness. Iba si Danilo, pati family ko like siya, dahil inalagaan din niya. Kapag may binibili siya para sa akin, meron din ang mom ko."
Ngayon wala na rin ang relasyon ni Danilo kay Jaycee Parker ng Viva Hot Babes, balitang binabalikan siya nito pero, ayaw nang makipag-balikan ni Aiza. "Tama na yung friends na lang kami, kailangan namang mag-move on na kami," sabi niya.
Kung meron man siyang relasyon na talaga namang hinding-hindi na niya babalikan at lalong hindi na maituturing na kaibigan, ito’y si Gian Magdangal na naging boyfriend niya ng one year and two months. "Kahit aminin pa niya yung naging kasalanan niya sa akin, ayaw ko na talaga," mariin niyang sabi.
May isa na namang entertainment place na magbubukas sa Mala te, sa lugar na dating kilala sa pangalang Suburbia, sa kanto ng Adriatico at Alonzo. Ito ang Skorki’s Bar & Restaurant na pag-aari ni Gerly J. Ante, isang Bicolana na lumaki sa Bulacan kung kaya’t may bahay itong inuuwian dun at mayro’n ding condo unit sa Makati.
Sa Abril 20, Biyernes, ay pormal na magbubukas ang Skorski’s Bar & Restaurant. Si Mayor Lito Atienza ang magpapasimuno ng blessing. Sa ika-10NG, magkakaro’n naman ng isang lingeries show na susundan ng isang cocktails at pagkatapos ay magkakasunod na tutugtog ang limang sikat na banda.
Si Frank Garcia ang Entertainment Director/Events Organizer ng lugar at tumatayaong PRO si Danny Batuigas.
Magiging abala ang Centerstage Productions ngayong summer. Anytime now ay sisimulan na ni direk Brillante Mendoza ng shooting ng Tirador, isang pagtingin sa mundo ng mga petty thieves, snatchers against the backdrop of the current election fever. Ang script ay ginawa ni Ralston Jover. Tampok sina Christopher King, Coco Martin at Jiro Manio.
[email protected]
Hindi man marami ang assignments, may mga dumarating din. Tulad ng Angels ng Eagle Eye Productions na kung saan ay kasama siya sa Angel of Mine episode topbilled by Angel Locsin. Magkaibigan ang role nila ni Angel. May gusto siya sa isang kaibigan nila (Ketchup Eusebio) na ang gusto naman ay si Angel.
Ano ang ginagawa niya habang naghihintay ng assignments?
"Ayun, papunta -punta sa mga probinsya, maraming raket ngayon dahil bakasyon, maraming fiesta."
Sa buwan ng Hunyo, marami siyang gugulatin kapag lumabas ang kanyang sexy cover sa isang men’s mag.
"Mukha akong bata, maraming ayaw maniwala na 24 na ako. I have to make a move para malaman ng lahat na mature na ako, pwede nang sumabak sa mga mature roles at mag-desisyon para sa aking sarili. Wala naman akong ginawang kakaiba, nagsuot lang ako ng two piece bathing suit, yun lang," sabi niya.
Sa tatlong nakarelasyon niya, tanging kay Danilo (Barrios) lamang siya nag-maintain ng friendship.
"Pinakamatagal ang naging relasyon namin, mga four to five years. Bitter ako when we broke up, isinumpa ko pa nga siya. But after a while, mga more than a year, nawala rin ang bitterness. Iba si Danilo, pati family ko like siya, dahil inalagaan din niya. Kapag may binibili siya para sa akin, meron din ang mom ko."
Ngayon wala na rin ang relasyon ni Danilo kay Jaycee Parker ng Viva Hot Babes, balitang binabalikan siya nito pero, ayaw nang makipag-balikan ni Aiza. "Tama na yung friends na lang kami, kailangan namang mag-move on na kami," sabi niya.
Kung meron man siyang relasyon na talaga namang hinding-hindi na niya babalikan at lalong hindi na maituturing na kaibigan, ito’y si Gian Magdangal na naging boyfriend niya ng one year and two months. "Kahit aminin pa niya yung naging kasalanan niya sa akin, ayaw ko na talaga," mariin niyang sabi.
Sa Abril 20, Biyernes, ay pormal na magbubukas ang Skorski’s Bar & Restaurant. Si Mayor Lito Atienza ang magpapasimuno ng blessing. Sa ika-10NG, magkakaro’n naman ng isang lingeries show na susundan ng isang cocktails at pagkatapos ay magkakasunod na tutugtog ang limang sikat na banda.
Si Frank Garcia ang Entertainment Director/Events Organizer ng lugar at tumatayaong PRO si Danny Batuigas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended