Carlo, gustong nang-aapi siya
April 10, 2007 | 12:00am
Pinabayaan ni Angel Locsin na manghula ang press kung magkano ang sosyo nila ni Becky Aguila para itayo ang Eagle Eye Production at i-produced ang Angels. Ang rason lang kung bakit niya pinasok ang movie production ay gusto niyang matuto dahil hindi forever ang pag-aartista at paghahanda sa balak na pagdi-direk in the future.
Malabo lang ang sagot ni Angel kung may talent fee siya sa sariling pelikula. "Parang ganun, parang wala dahil binarat ko ang sarili ko," sabi nito. Hindi nakialam ang dalaga sa pelikula pati sa pagpili ng cast. Nag-request lang siyang si Gina Alajar ang maging director sa episode niyang Angel of Mine at siya rin ang pumili kay Kechup Eusebio na masama sa cast.
Si Angel na rin ang nagbigay ng break kay Gina na maging movie director at five days silang nag-shooting. Habol na habol ito sa June 13 playdate.
Tinanong si Angel kung bakit hindi niya kinuha ang ex-boyfriend na si Oyo Boy Sotto para maging leading man niya. Friends pa rin naman sila at nagti-text at natatawang ikinuwento ng dalaga na sinisita siya ng binata ‘pag ‘di siya naggu-goodnight.
"Hindi ko inisip na kunin siyang kapareha. Usapan na naming hiwalay ang personal life sa trabaho namin. Hindi talaga pumasok sa isip ko na kunin siya, baka maging awkward at busy din naman siya," paliwanag nito.
Ang Sineserye ng GMA-7 ang papalit sa Princess Charming at first featured ang TV remake ng Sinasamba Kita. Sina Sheryl Cruz, Wendell Ramos, Valerie Concepcion, Carlo Aquino at Gina Alajar ang bumubuo ng cast at sa direksyon ni Joel Lamangan.
Si Carlo ang gaganap sa role na ginampanan ni Phillip Salvador sa movie at tuwang-tuwa itong malamang bida-kontrabida ang kanyang role at open ito sa all-out contravida role. Gusto ng actor na siya naman ang mang-api dahil eversince, siya lagi ang inaapi.
Hindi napanood ni Carlo ang Sinasamba Kita at hindi alam kung paano ang atake ni Phillip sa role. Pressure rin sa kanya na ipinakilala siya sa staff and crew na magaling na artista, pero malaking tulong sina Direk Joel at Valerie na friend niya noon pa.
First project ito ni Carlo sa Ch. 7 at sobrang kaba niya sa first day taping at natakot na baka bumigay siya sa pressure. Mababait daw ang staff at madali siyang napalagay at looking forward siya for more projects sa Ch. 7.
Nalulungkot si Jewel Mische na kahit tapos na ang StarStruck 4, hindi pa rin siya tinitigilan ng intriga at ang iba’y, sobra ng personal. Gaya na lamang sa isyung tinarayan daw niya ang ina sa harap ng maraming tao dahil ayaw na pinakikialaman siya sa mga ginagawa.
"Not true, definitely not true. Pati nga mom ko nagulat at kelan daw nangyari ang sinabi nilang pagtataray ko sa kanya? Ang dami ngang negative issues sa akin, pero ang importante ‘di ako ang nagsisimula at higit sa lahat, wala akong nasasaktang tao," pahayag nito.
Dahil bakasyon pa, sa trabaho muna ang focus ni Jewel at natutuwa ito’t bukod sa SOP, mapapanood sila ni Paulo Avelino sa isang episode ng Magic Kamison. Pinakinggan ng GMA-7 ang request ng kanilang fans na sila’y pagtambalin at sa May, sila ang tampok na love team sa Sunday series. Makakasama nila sina Dion Ignacio at Chuck Allie at ang show ang rason kung bakit ‘di kasama si Jewel sa The Boys Next Door dahil magkasunod ang dalawang shows.
Bagay na guests sa Broken Marriages episode ng Moms this Tuesday sina Dino Guevarra, Paco Arrespacochaga at Rey Abellana dahil pare-pareho silang hiwalay sa pinakasalan nila. Sa nasabing episode na sinulat ni Ansell Beluso, tutulungan ang tatlo na balikan ang nangyari sa kanilang married lives at bakit sa paghihiwalay ‘yun nauwi.
Monday to Friday, 5:30 p.m. sa QTV 11 napapanood ang show.
Malabo lang ang sagot ni Angel kung may talent fee siya sa sariling pelikula. "Parang ganun, parang wala dahil binarat ko ang sarili ko," sabi nito. Hindi nakialam ang dalaga sa pelikula pati sa pagpili ng cast. Nag-request lang siyang si Gina Alajar ang maging director sa episode niyang Angel of Mine at siya rin ang pumili kay Kechup Eusebio na masama sa cast.
Si Angel na rin ang nagbigay ng break kay Gina na maging movie director at five days silang nag-shooting. Habol na habol ito sa June 13 playdate.
Tinanong si Angel kung bakit hindi niya kinuha ang ex-boyfriend na si Oyo Boy Sotto para maging leading man niya. Friends pa rin naman sila at nagti-text at natatawang ikinuwento ng dalaga na sinisita siya ng binata ‘pag ‘di siya naggu-goodnight.
"Hindi ko inisip na kunin siyang kapareha. Usapan na naming hiwalay ang personal life sa trabaho namin. Hindi talaga pumasok sa isip ko na kunin siya, baka maging awkward at busy din naman siya," paliwanag nito.
Si Carlo ang gaganap sa role na ginampanan ni Phillip Salvador sa movie at tuwang-tuwa itong malamang bida-kontrabida ang kanyang role at open ito sa all-out contravida role. Gusto ng actor na siya naman ang mang-api dahil eversince, siya lagi ang inaapi.
Hindi napanood ni Carlo ang Sinasamba Kita at hindi alam kung paano ang atake ni Phillip sa role. Pressure rin sa kanya na ipinakilala siya sa staff and crew na magaling na artista, pero malaking tulong sina Direk Joel at Valerie na friend niya noon pa.
First project ito ni Carlo sa Ch. 7 at sobrang kaba niya sa first day taping at natakot na baka bumigay siya sa pressure. Mababait daw ang staff at madali siyang napalagay at looking forward siya for more projects sa Ch. 7.
"Not true, definitely not true. Pati nga mom ko nagulat at kelan daw nangyari ang sinabi nilang pagtataray ko sa kanya? Ang dami ngang negative issues sa akin, pero ang importante ‘di ako ang nagsisimula at higit sa lahat, wala akong nasasaktang tao," pahayag nito.
Dahil bakasyon pa, sa trabaho muna ang focus ni Jewel at natutuwa ito’t bukod sa SOP, mapapanood sila ni Paulo Avelino sa isang episode ng Magic Kamison. Pinakinggan ng GMA-7 ang request ng kanilang fans na sila’y pagtambalin at sa May, sila ang tampok na love team sa Sunday series. Makakasama nila sina Dion Ignacio at Chuck Allie at ang show ang rason kung bakit ‘di kasama si Jewel sa The Boys Next Door dahil magkasunod ang dalawang shows.
Monday to Friday, 5:30 p.m. sa QTV 11 napapanood ang show.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended