Rhian, gusto nang kalimutan ang away nila ni Alessandra
April 9, 2007 | 12:00am
Gusto nang kalimutan ni Rhian Ramos ang nangyari sa kanila ni Alessandra de Rossi sa taping ng LUV Pow at willing siyang mag-apologize kung na-offend niya ito. Pero sabi nito, nagbibiro lang siya at ginaya lang ang actress nang mag-dialogue ng "Why can’t you be professional, I’m working my ass off."
Ang hindi lang nagustuhan ni Rhian sa nangyari’y nadawit ang mga taong walang kinalaman sa isyu. Gaya ni Richard Gutierrez dahil nakakabit daw lagi na leading lady siya nito sa Lupin at si Ida Henares ng GMA Artists Center na tita niya, pero sa trabaho ay talent siya nito at hindi pamangkin.
"May pressure being her niece because I’m carrying her name, kaya nag-iingat ako. Pag may issue, pinatatawag niya ako sa office at tinatanong. Lagi akong kinakabahan pag pinapatawag niya ako," wika ni Rhian.
Incidentally, excited na si Rhian sa pilot ng Lupin mamaya at lalabas daw agad ang character niyang si Avril Legarda. Kahit hindi siya kasing-sexy nina Katrina Halili at Ehra Madrigal, matutuwa rin ang viewers sa kanya. Advantage sa kanya na maliit ang boobs dahil madali siyang makatakbo at mabilis pa.
Natuwa si Sarah Geronimo nang malamang buong pamilya ni Sen. Ed Angara ang pumili sa kanya para maging celebrity endorser nito sa bid nitong muling mahalal na senador. Ang sarap daw ng feeling na pinagkakatiwalaan siya ng isang respetadong politician.
Binanggit ng senador ang wholesome image, pagiging huwaran at ganda ng boses ni Sarah ang isa sa mga rason kung bakit sa rami ng mga artista ay ito ang kinuha niyang tumulong sa kanyang kandidatura. Bumilib pa si Sen. Angara nang malamang nag-enroll sa College of Music ng University of Santo Tomas ang singer-actress kahit busy sa showbis.
Sabi naman ni Sarah, hindi siya mapapahiya sa pag-endorse kay Sen. Angara dahil marami itong nagawa sa field ng education and health at sa advocacy na maalis ang child malnutrition. Marami ang nakikinabang sa Free High School law ng senador, his law on Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o GASTPE and his law creating TESDA o Technical Education and Skills Development Authority na nagbibigay ng necessary training sa mga gustong magtrabaho lalo na sa ibang bansa.
Samantala, ayaw pa rin talaga ng loveteam ni Sarah at aminadong abnormal siya sa aspetong ito. Nakikita yata nitong problema ang dala ng may ka-loveteam at maganda na ‘yung umiiwas siya. Mapili rin siya sa crushes dahil sina Leonardo Di Caprio at Brandon Rout ang gusto niya at sa local celeb, si Piolo Pascual.
Sa May 13 na eere ang The Boys Next Door ng GMA-7 at ang mga bida’y produkto ng StarStruck sa pangunguna ni Marky Cielo. Kasama niya ang loveteam nina Kris Bernal at Mart Escudero. Para mas exciting, isinama rin sina Aljur Abrenica at Jesi Corcuera na parehong na-link kay Kris. Narito rin sina Stef Prescott at isang SS4 avenger na ‘di namin nakuha ang name.
Tiyak na may iba pang kasama ang mga bagets at dito malalaman kung susuportahan pa rin sila ng kanilang fans na nagpanalo sa kanila sa SS4. Inaalam pa namin kung sino ang makaka-pareha ni Marky na in fairness, kahit walang ka-loveteam, umabante ang career.
Ngayong Monday episode ng Moms na Who’s Afraid of 40, patutunayan nina Jojo Alejar, Mandy Ochoa, Arlene Tolibas at Mel Kimura na walang dapat ikatakot sa pagsapit ng edad 40. Si Ryllah Berico ang episode writer ng topic na kinatatakutan lalo na ng mga kababaihan.
Mapapanood pa rin sa QTV 11 ang Moms, 5:30 p.m., Monday to Friday at hosts sina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes.
Ang hindi lang nagustuhan ni Rhian sa nangyari’y nadawit ang mga taong walang kinalaman sa isyu. Gaya ni Richard Gutierrez dahil nakakabit daw lagi na leading lady siya nito sa Lupin at si Ida Henares ng GMA Artists Center na tita niya, pero sa trabaho ay talent siya nito at hindi pamangkin.
"May pressure being her niece because I’m carrying her name, kaya nag-iingat ako. Pag may issue, pinatatawag niya ako sa office at tinatanong. Lagi akong kinakabahan pag pinapatawag niya ako," wika ni Rhian.
Incidentally, excited na si Rhian sa pilot ng Lupin mamaya at lalabas daw agad ang character niyang si Avril Legarda. Kahit hindi siya kasing-sexy nina Katrina Halili at Ehra Madrigal, matutuwa rin ang viewers sa kanya. Advantage sa kanya na maliit ang boobs dahil madali siyang makatakbo at mabilis pa.
Binanggit ng senador ang wholesome image, pagiging huwaran at ganda ng boses ni Sarah ang isa sa mga rason kung bakit sa rami ng mga artista ay ito ang kinuha niyang tumulong sa kanyang kandidatura. Bumilib pa si Sen. Angara nang malamang nag-enroll sa College of Music ng University of Santo Tomas ang singer-actress kahit busy sa showbis.
Sabi naman ni Sarah, hindi siya mapapahiya sa pag-endorse kay Sen. Angara dahil marami itong nagawa sa field ng education and health at sa advocacy na maalis ang child malnutrition. Marami ang nakikinabang sa Free High School law ng senador, his law on Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o GASTPE and his law creating TESDA o Technical Education and Skills Development Authority na nagbibigay ng necessary training sa mga gustong magtrabaho lalo na sa ibang bansa.
Samantala, ayaw pa rin talaga ng loveteam ni Sarah at aminadong abnormal siya sa aspetong ito. Nakikita yata nitong problema ang dala ng may ka-loveteam at maganda na ‘yung umiiwas siya. Mapili rin siya sa crushes dahil sina Leonardo Di Caprio at Brandon Rout ang gusto niya at sa local celeb, si Piolo Pascual.
Tiyak na may iba pang kasama ang mga bagets at dito malalaman kung susuportahan pa rin sila ng kanilang fans na nagpanalo sa kanila sa SS4. Inaalam pa namin kung sino ang makaka-pareha ni Marky na in fairness, kahit walang ka-loveteam, umabante ang career.
Mapapanood pa rin sa QTV 11 ang Moms, 5:30 p.m., Monday to Friday at hosts sina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended