^

PSN Showbiz

Halik ang panggising ni Jennylyn kay Patrick!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nagsusyuting na ng Angels sina Jennylyn Mercado at ang boyfriend nitong si Patrick Garcia sa episode na Angel of Love.

Ayon sa isang source, super sweet ang dalawa sa set at bagay na bagay kaya ayon sa mga nanood ng syuting ay talagang kinikilig sila.

Minsan sa sobrang pagod ni Patrick ay nakakatulog ito during shooting break at kapag magti-take na uli ay nahihiya silang gisingin ito. Kaya si Jenny ang nanggigising dito sa pamamagitan ng isang halik.

Sa kabilang banda, pinabulaanan ni Jenny at ng manager nito na si Becky Aguila na sinulot ni Pauleen Luna ang pelikulang My Kuya’s Wedding.

"Ang totoo niyan ay gusto sana ni Jennylyn ang project kaso nang basahin ni Jenny ang script ay parang lumalabas na pang-suporta lang siya at hindi naman siya ang magsasabi ng My Kuya’s Wedding kundi si Maja Salvador. Nang makausap namin si Roselle Monteverde Teo, sinabi naming papayag lang kaming tanggapin ang proyekto kung ire-revise ang script at palitan ang title. Kaso nang makita uli namin si Roselle ay sinabing di na kailangang i-revise pa ito kaya napunta ang role kay Pauleen. Tutal may gagawin pang pelikula si Jenny sa Regal- ang Tiyanak kung saan makakasama niya sina Mark Herras at Patrick Garcia," anang manager.

Speaking of Becky Aguila, nakakwentuhan ko ito tungkol sa pagpoprodyus ng pelikulang Angels na binubuo ng tatlong istorya (trilogy) na pinamagatang Angel of Mine, Daddys Angel at Angel of Love.

Ano ang nagbunsod para magprodyus siya ng pelikula?

"Matagal ko nang pangarap na magprodyus ng pelikula aside from managing talents. It’s a career move at mabibigyan ko pa ng trabaho ang mga taga-movie industry gayundin ang mga artista. Ako ang nag-conceptualized ng Daddy’s Angel. Mahirap ding magprodyus dahil may ilang problema gaya ng budgeting at noong pre-prod yung mga kinuha kong artista na umokey ay umatras din dahil sa may prior commitment pala sa kanilang home studio. Pero it’s growth enhancement dahil hindi lang pagpoprodyus ng pelikula ang gusto niya kundi gayundin ang pagpo-prodyus ng concert at eventually pagtatayo ng negosyo at kasosyo si Angel Locsin na nauukol sa fashion sports wear.
Showbiz Ka, Gumaganda Ang Rating
Natutuwa ang mga bumubuo ng Showbiz Ka hosted by Pat P. Daza at ang vice president ng local shows na si Susan Trinidad. May following na kasi ang show at maganda ang rating nito. Bitin nga ang kalahating oras kaya may nagri-request na mga manonood na gawin sana itong isang oras na.

Updated ang mga manonood tungkol sa latest showbiz balita kung saan guest ang mga kilalang writers. Epektibong host si Pat P. kaya marami na rin itong tagahangang manonood.

ANGEL OF LOVE

MY KUYA

PAT P

PATRICK GARCIA

SHOWBIZ KA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with