Komedyante, nagbabasag ng gamit kapag nagagalit
April 3, 2007 | 12:00am
Inamin ng isang sikat na komedyante na dumating sa punto na kapag nagagalit siya ay nagbabasag siya ng mga gamit laluna kapag nag-aaway silang mag-asawa. Naging shaky din kasi ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Ngayon, na-realize ng komedyante na walang magagawang kabutihan ang pagiging bayolente kaya iniiwasan na nitong mag-away silang mag-asawa lalo pa nga at malalaki na ang kanilang mga anak.
Hindi kami magtataka kung bakit tuluy-tuloy ang kasikatan ni Richard Gutierrez at di nababakante sa mga proyekto-TV man o pelikula dahil sa pagiging propesyonal at pagmamahal sa trabaho.
Katunayan sa Lupin ay marami itong peligrosong stunts at ayaw nitong magpa-double. Isa na rito ang paglalambitin nito sa helicopter, car chase at marami pang iba. May background naman kasi ang aktor sa martial arts kahit noong nasa Amerika pa.
Inamin ni Richard na may pressure din siya dahil isa ang Lupin sa pinaka-expensive soap opera na nagawa niya.
Kasama rin sa Lupin ang magandang si Rhian Ramos bilang si Avril Legarda ang naulilang anak at tanging tagapagmana ng sikat at negosyanteng pinaslang. May unawaan sila ni Lupin pero maiiba ang twist ng istorya kapag nalaman nito na ang nobyo pala ang pangunahing suspect sa pagpatay sa ama.
May mga eksena si Rhian gaya ng pagtalon mula sa bubong kaya sinabi ng aktres na maaasahan din siya sa action scenes.
Ayaw nitong patulan ang intriga na kaya lang siya nagkakaroon ng mga proyekto sa Siete ay dahil pamangkin siya ni Yda Henares na siyang head ng GMA Artist Center.
Sa ganang amin, may ibubuga sa akting si Rhian at walang kinalaman ang kanyang auntie kung magkapangalan man ito.
Prioridad pa rin nito ang kanyang career kaya ayaw munang mag-concentrate sa lovelife.
Ngayon, na-realize ng komedyante na walang magagawang kabutihan ang pagiging bayolente kaya iniiwasan na nitong mag-away silang mag-asawa lalo pa nga at malalaki na ang kanilang mga anak.
Katunayan sa Lupin ay marami itong peligrosong stunts at ayaw nitong magpa-double. Isa na rito ang paglalambitin nito sa helicopter, car chase at marami pang iba. May background naman kasi ang aktor sa martial arts kahit noong nasa Amerika pa.
Inamin ni Richard na may pressure din siya dahil isa ang Lupin sa pinaka-expensive soap opera na nagawa niya.
May mga eksena si Rhian gaya ng pagtalon mula sa bubong kaya sinabi ng aktres na maaasahan din siya sa action scenes.
Ayaw nitong patulan ang intriga na kaya lang siya nagkakaroon ng mga proyekto sa Siete ay dahil pamangkin siya ni Yda Henares na siyang head ng GMA Artist Center.
Sa ganang amin, may ibubuga sa akting si Rhian at walang kinalaman ang kanyang auntie kung magkapangalan man ito.
Prioridad pa rin nito ang kanyang career kaya ayaw munang mag-concentrate sa lovelife.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended