^

PSN Showbiz

Rochelle at Jopay, walang inggitan

-
Pinagdududahan noong una na baka hindi makaya ni Jopay Paguia ang challenging role na ibibigay sa kanya sa Siete Siete Mano Mano, ika 14 season ng Daisy Siete. Pagkatapos kasi ni Rochelle Pangilinan, si Jopay naman ang napansin nina Direk Pat Perez at producer Joy Cancio na magbida. Sinugalan nila ang acting ni Jopay.

Grabeng pagsubok ang ibinigay kay Jopay, pero nalusutan naman ng Bulakenyang member ng Sexbomb. Imagine, galit sa kanya ang ‘tatay’ niyang si William Martinez, dahil anak sa iba ng babaing minahal niya si Rochelle, (sa flash back lang nanay ni Jopay si Rochelle).

May eksenang sa galit ng aktor, minsang nahuling naglalakwatsa si Jopay, pinalo ito ng sinturon. Sabi ni Jopay, napakahirap ng eksenang yun. Tuwing papaluin siya ng sinturon ang sakit sa katawan niya.

"Nakakaloka, pero nalusutan ko yun," pagmamayabang ni Jopay. Minsan naman, hindi lang nagustuhan ni William ang tinimplang kape, ibinuhos niya ito kay Jopay. Naloka sa init ng kape ang Sexbomb girl. Hindi man kumukulo, napakainit pa rin nun. Ayaw naman nilang dayain, kasi nga walang feeling kapag peke ang eksena.

May eksena pang habang inaawat niya si William dahil binubugbog ang utol niyang si Marco Madrigal dahil natuklasang bading, sumalya siya sa tabi ng lamesa. Mabuti na lang, nailagan niya ito.

Unang-unang bumabati kay Jopay tuwing may eksenang matindi ay ang best friend niyang si Rochelle.

At least ngayon, natikman niyang magbida at nakatikim ng mabibigat na eksena.

Ngayon balik-Eat Bulaga sila. –VIR GONZALES

vuukle comment

DAISY SIETE

DIREK PAT PEREZ

EAT BULAGA

JOPAY

JOPAY PAGUIA

JOY CANCIO

MARCO MADRIGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with